"Ano?! Bakit nyo naman pinabayaang sumemplang ang asawa ko?!"

"Sorry po, Ma'am Andrea."

"Hubby gusto mo bang magpadala ako ng medics dito?"

"Hindi, hindi na. Ayos lang ako." Psh, sabing ayoko nga nun. Bakla na kung bakla, takot lang talaga ako sa injection! ~~ lalo na kung sa pwet!

"Sigurado ka bang ayos ka lang?"

"Oo na nga! Tara na, start na ulit tayo para hindi na tayo gabihin," pinilit ko ng tumayo kahit masakit pa rin ang pwetlalu ko. Ahuhuhu T___T

Pero hindi nila dapat mahalata! Sumakay na ko sa big bike, haay bahala ka na Fafa Vatman!

At habang nanginginig pa rin ang buong katawan ko ay inistart ko ulit ang engine, at saka pikit-matang—OmyGosh, keri ko ba talaga 'to?

Ayoko na!!! TT___TT

"Let me teach you first Hubby."

"Huh?" O.o

"Sabi ko tuturuan na muna kita bago mo ipilit ang sarili mong paandarin yan."

Hindi na ko nagreact at hinayaan nalang sya sa gusto niyang gawin. Mukang may point naman kasi sya. Ayoko ng madagdagan ang ube ko sa pwet noh!

"First, stand on the left side."

Sinunod ko yung sinabi nya. "Hawakan mo yung handlebars."

"Ehh..." napakamot ako ng batok. "A—ano yung handle bars?"

"Eto hubby oh," kinuha nya yung kamay ko at saka pinatong dun sa handle bars.

Napatingin ako sa kanya. Bat ang haba-habang pasensya nya? Kasi kung ako yun, baka sinigawan ko na sya agad dahil lang sa hindi alam ang handle bars.

"Next, i-lift mo 'tong leg mo over the seat," tinulungan niya pa kong iangat yung hita ko.

"I-balance mo yung big bike with your feet at saka mo icheck yung adjustments sa mirrors, foot pegs at gears," paliwanag nya habang iniisa-isang turo saken yung mga yun.

Napatingin ako sa paligid, lahat sila nakatingin lang samen.

"Then brake and accelerate gamit yung right hand mo. Itwist mo nang mahina yung grip sa handle bar para yung wrist mo bababa para sa pag-accelerate, then pull mo yung lever para sa front brake. Tas yung right foot mo naman para sa rear brakes."

Kung minsan hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi ni Andrea, feeling ko kasi nawawala ako sa sarili sa tuwing hinahawakan nya ko. At ano ba naman 'to?? Eto na naman ang nagwawala kong puso, psh! baka dahil sa kaba.

Oo, tama yun na nga yun!

"Oy Hubby, nakikinig ka ba?" umangat sya nang tingin saken.

Hindi sinasadyang magtama ang mga mata namin. Napatitig ako kay Andrea, namamawis na ang mukha nya, agad kong kinuha yung panyo ko sa bulsa at pinunasan sya.

Napatitig sya saken, ganun rin ako sa kanya.

Dug.Dug.

Shet, bat may epal na pusong kumakalabog?! >___<

"Ah, pinag—pinagpapawisan ka..."

Ngumiti lang sya at saka yumuko para ata ipagpatuloy ang pagle-lecture nya saken.

"Ok, sunod mo na yung pagpull sa clutch nang dahan-dahan, then shift mo ng left foot mo yung lever... up and down..." nakatitig lang ako sa kanya habang sumusunod sa instructions nya. "~~ yan tama yan, ganyan nga Hubby."

 "Start mo yung engine, flip down mo yung kill switch para mag-on tas turn mo yung key sa ignition. Push mo 'tong starter button. Tapos ayan... ayan, Hubby ko paandar ka na~~yaaay! Ingat!!!"

"A—andrea, Honey ko!" napapikit ako, >____< feeling ko lumilipad na ko.

Hindi naman ganun kabilis ang andar nitong sinasakyan kong big bike pero... shocks nakakakaba!

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, "WHOOOOO! Umaandar na ko. WHOOOOOAAA!"

"GO HUBBY KO! YOU CAN DO IT! MWAH! MWAH! TSUP! TSUP!"

"HAHAHA!" loka-loka talaga 'tong asawa ko, hindi ko alam kung supportive o pinapahiya lang ako.

But despite that, utang na loob ko pa rin sa kanya 'to.

And she's really amazing =)

~~

CHUCK'S POV

"Sir Chuck, start na daw po sabi ni Miss Debby."

"Ok, pakisabi susunod na ko," muli muna akong dumial sa cp bago sumunod sa P.A. ko.

*The number you have dialed is unavailable, please try your call later.*

"AIsh! Bat ba ayaw niyang sagutin yung cp nya?!"

Muli akong pumindot sa cp ko at nag-dial. Ilang rings lang bago may sumagot. "Hello Chuck, napatawag ka?"

"President Chant, nandiyan po ba si Andrea? Kanina ko pa po kasi sya tinatawagan sa cp nya, hindi ko sya ma-contact."

"Si Andrea? Eh nasa shoot nila Dom, bakit?" kusang kumuyom ang kamao ko.

Psh, kaya naman pala. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa babaeng yun? Syempre susuportahan nya yung tonto niyang asawa!

Humanda ka saken Dom, hindi ako magpapatalo sayo. Gagawin ko ang lahat, makuha lang sayo hindi lang ang pwesto mo sa kompanya, kundi pati na rin si Andrea na ang tagal-tagal ko nang sinusuyo hindi ko makuha-kuha pero ikaw na kakakilala nyo palang ata eh nagawa ka nang pakasalan.

Sigurado akong may dahilan kung bakit biglaan ang kasal nyo. At hindi ako titigil hangga't hindi ko natutuklasan ang mabahong sikreto mo Dominador Machonimo.

~~

A/N: Anong masasabi nyo kay Fafa Chuck-slash-Chucka-doll haha, tuwang-tuwa ako sa tawag niyong yun sa kanya. :D

By the way, salamat sa mga readers kong always nagko-comment, love na love ko kayo! at sa mga new readers, welcome to the club! hahaha. *group hug*

Marry Me, Beki! #Wattys2017जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें