Chapter 12- [You May Now Kiss The Bride]

194K 4K 145
                                    

This chapter is for greenwriter. Actually, yung story nya na "The Prince And The Duke" yung inspiration ko sa chapter na to. Bwahaha. And ganda din ng ibang mga gawa nya. IDOL!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HANNA's POV



|Friday, 3:04 P.M.|

|Manila Hotel|

Eto na. This is it. Ilang sandali na lang, I will be a married lady.

Magbabago na ang civil status ko.

Magbabago na din ang last name ko. I will be carrying his last name a few moments from now.

At tuluyan na rin magbabago ang buong pagkatao ko.

Kanina pa ko inayusan ng beautician na syang incharge sakin. Sila Papa, Mama at Hunter ay kanina pa din naayusan. Pati si Rina na isa sa magiging bridesmaids ko.

The event will take place as private as we could. Pero may mga bisita din naman. Yung mga business partners ng Daddy ni Kade, si Daniel at ang Dad nya, ilang close relatives nila Kade sa mother's side nya, at ang close relatives ko sa side ni Mama.

Ready na ang lahat sabi ni Mama. Nasa baba na ang lahat ng bisita, ang pari na magkakasal samin, ang family ko at family nya, pati si Kade.

Kade.

Kade.

Kade.

Kade.

Nag-e-echo yung pangalan nya sa utak ko. Yung lalaking yun ang magiging asawa ko. KORNI.

For the first and the last time, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ng suot ko. Ang ganda din ng pagkakaayos sa mukha at sa buhok ko.

"Anak, tara na." Yaya sakin ni Papa.

"Opo." Humawak ako sa braso nya.

Bumaba na kami papunta sa pagdadausan ng kasal.

Bago pa man bumukas ang pinto na dadaanan ko papunta kay Kade, niyakap ako ni Papa. Nagsimula na rin akong umiyak. Drama queen.

"Pa, wag ka naman umiyak, naiiyak na din tuloy ako." Di ko alam kung dahil kay Papa kung bakit ako umiiyak o dahil sa ikakasal na ko.

"Natutuwa lang ako. Sana di mali ang desisyon ko na pumayag na ipakasal ka kay Kade, anak." Niyakap ko din sya.

Pagbukas ng pinto, the wedding march began. Nanginginig yung buong katawan ko. Pati yung paa ko, nanlalamig na. Di ko alam kung bakit.

The wedding entourage started to march. Nakasunod ako sa mga bridesmaids ko na sila Cass at Rina.

Wala akong ibang makita kundi ang mga flash ng camera.

Walking down the aisle is like the longest walk I ever experienced in my entire life.

I looked around the place and I saw for the first time that I have the most beautiful wedding ever.

I now see my Mama, Kade's Dad and Mom, and all the other guests.

Sana nandito din sila Tin at Patty kaso di pa nila pwede malaman yung tungkol dito. Secret nga lang tong relasyon namin ni Mr. I Don't Care di ba? -_-

Then I saw Kade, bakit parang ang gwapo nya ngayon?

Erase. Erase.

Kalmado lang sya na naghihintay sa dulo ng aisle. Usual, emotionless pa rin yung mukha nya, samantalang ako, eto, emotional.

His High School Wife (ON-GOING)Where stories live. Discover now