Chapter 38- [Threat]

169K 2.5K 145
                                    

HANNA’s POV

“Hoy, baka gusto mong mamigay?” Napatigil ako sa pagsubo ng ensaymada ng biglang nagsalita si Tin.

Breaktime namin at parang kulang na lang, bilihin ko lahat ng pagkain na tinda dito sa canteen namin. Dahil nga recess, as usual, kumakain kami. Pero di ko malaman kung bakit yung pagkain ko, pang 2 heavy meals na.

Ngumiti ako sa kanila “Uhmmmm…” Kumuha ako ng pera sa bulsa ko at nilagay ko sa ibabaw ng mesa malapit sa kanilang dalawa. “Eto, bumili na lang kayo dun. Kulang pa yata sakin to eh.”


Kinuha ni Pat yung pera at sapilitang binigay kay Tin. “Tin, bili ka nga muna ng palabok dun.” Pareho lang kami ni Pat eh, may pagkatamad.

Biglang tumayo si Tin after nya makita yung ‘lovelife’ nya. “Akina, dali! Sakto ayun si JL oh.” Kinuha nya yung pera at humakbang na palayo. “Mukhang may mabubugbog ako ah.” Narinig kong sabi nya habang papalayo sa table namin.

Di ko lang alam kay Christine kung mahal na nya si JL. Pero sure kami na malakas talaga ang tama ni JL (o John Leonard) sa kaibigan namin. Tulad ni Kade, ultimate heartthrob din si JL sa school namin. Maputi, singkit yung mata, matalino, mabait at higit sa lahat, ngiti pa lang nya, wagas ng tumili yung mga babae sa school. Kala mo may ipis. -_-

Ayaw nga talaga ni Tin na magpaligaw e, kasi nga may pagka-boyish sya. Pero yung lalaki, pursigido talagang ligawan yung loka-loka/brutal kong kaibigan. Kahit everyday syang binubugbog ni Tin, okay lang sa kanya. Psh. In-love.

Naiinggit nga ako kay Tin eh. Pano ba naman, halos araw-araw may sweets na natatanggap si Tin sa manliligaw nya. At araw-araw din kaming nakakarinig sa hallway ng mga salitang ‘MAHAL NA MAHAL KITA CHRISTINE PANGANIBAN!!!’

Kailan kaya ipagsisigawan ni Kade na mahal nya ako? I sighed. Psh. Kahit kailan nga, hindi ko pa naririnig na lumabas sa bibig na yung salitang ‘I LOVE YOU’ kahit kaming dalawa lang eh. Eh pano pa kaya sa lahat ng tao?

Tinuloy ko na lang ang pagkain ng ensaymada. Lalo lang akong nalulungkot pag naiisip ko yun. T_T

His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon