Chapter 27.2- [Day 2: Wake-Up Punch]

141K 2.8K 124
                                    

KADE's POV

"Kade, babe." Hanggang dito ba naman sa carpark, sinundan ako?! Kumapit pa sa braso ko. Kadiri.

"Tigil-tigilan mo na nga ako, Eliza!" Tinabig ko yung kamay nya sa pagkakakapit nya sa akin.

"No. I'll do whatever it takes for you to love me again!" Pagmamaktol nya.

Sunod pa din sya ng sunod hanggang sa napunta na kami sa sulok ng carpark kung saan nakapark yung kotse ko.

Plano kong balikan si Hanna sa bahay. Almost one hour na, wala pa din sya. She should be here in school. Baka tinamad na naman sya pumasok. Tss.

Nagmatigas lang talaga ako kanina na sabihin sa kanya na ayaw ko syang isabay sa kotse ko. The truth is, I would really love to drive while holding her hands. Pero pinangunahan lang talaga ako ng pag-iwas ko sa kanya. 

Di naman talaga ako galit sa kanya eh. Umiiwas lang talaga ako kasi alam kong kakausapin nya ako. Baka kausapin nya ako para ibalita na sila na ni Daniel. I don't want to hear that. Especially from her. I don't want to face the reality na MAS gusto nya yung pinsan ko.

"Huh! To love you again?! I NEVER loved you, Eliza. So please get away from me." I said as I'm searching for my car keys in my pocket.

Pareho kaming napatingin sa sasakyan na papasok sa carpark. Daniel's car.

Nakita kong bumaba si Daniel sa pinto sa driver's side. But I was shocked ng makita kong may kasama sya. Si Hanna. I clenched my fist sa sobrang gigil ko sa pagkakita ko sa kanilang dalawa. 

But I got even angrier when he held her hand. FCK! Ako lang ang may karapatang humawak sa kanya! Not him!

"Why are you looking at them, babe?" Tanong ni Eliza ng mapansin nyang sa kanila ako nakatingin.

His High School Wife (ON-GOING)Where stories live. Discover now