Chapter 26- [Day 1: I Want To Hurt Her]

166K 3.1K 103
                                    

KADE's POV



Tss. Ano kayang problema nung babaeng yun? Naglalambing lang naman ako sa kanya kagabi kasi I got tired after that stupid basketball game. Baka naman meron sya. TSSS. 

Hinanda ko na yung breakfast namin. Nagpadeliver na lang ako sa isang fast-food chain. Wala rin naman akong gana magluto ngayon eh.

Si Hanna kasi yung tipo ng tao na laging nakakalimutan kumain. Ang payat nya. Ewan ko ba sa kanya. Pero pag kumakain naman sya, puro junk foods yung tinitira. Aish. Napakahard-headed!

I went to her room. Expectedly, nakaupo lang sya sa bed nya. Nakayuko. Napaka weirdo talaga nya ngayon. Siguro kanina pa sya nakapag-ayos, ayaw lang talaga muna nya bumaba.

"Breakfast is ready." Sabi ko sa kanya. Pero nakayuko pa din sya.

"Susunod na lang ako." Di pa rin sya tumatayo. Nakayuko pa din.

I just stared at her. With so much longing.

I walked to her. "Tsk. Tara na nga!" I held her wrist at lumabas na kami sa kwarto nya. Baka kasi mangyari na naman yung.... ALAM NYO NA. She's hypnotizing me without her knowing. Aish. 

When we got to the dining area, I pulled the chair for her. And we just ate peacefully. As in, peacefully.  Walang nagsasalita, walang umiimik.

Pagkatapos namin kumain, tahimik pa rin sya. Nacucurious na talaga ako kung ano yung iniisip nya. Di talaga sya nagsasalita. Bakit kaya?

Kahapon naman bago pumasok ng school, nagdadaldal pa sya ng kung anu-ano. But when the night came, parang ilag talaga sya sa akin. Magsasalita lang sya pag tinatanong ko.

"O, di mo pa nauubos yang pagkain mo ah." Eto na naman. Di na naman kakain ng matino.

His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon