Chapter 22- [Cupcakes]

183K 3.1K 41
                                    

HANNA's POV



Hays.. Umaga na pala. 

Bumangon na ako at pumunta sa banyo para maghilamos. Ang weird talaga ng panaginip ko kagabi.

*flashback*



Huh?! Ano ba to?! 

Feeling ko kasi may nakayakap sa likod ko eh. Nakapikit lang ako. Kasi pag dinilat ko yung mga mata ko, baka bigla nalang akong magising. 

Haay, Kade. Hanggang sa panaginip ko ba naman, pinapakilig mo ako?! Sana lang pati sa totoong buhay, may eksena ng ganito.

Ang higpit lang ng pagkakayakap nya sa akin sa panaginip ko. Kaya naman, eto na. This is it. Samantalahin ang pagkakataon. Humarap ako sa kanya at niyakap ko din sya. Sana talaga di lang to panaginip. Ang sarap ng pakiramdam ng yakap mo yung taong gusto mo. Yung feeling na walang makakapigil sayo. Na walang eepal sa ginagawa mo. Ang sarap pala ng ganitong pakiramdam.

Nagulat ako ng niyakap nya rin ako at hinalikan sa noo. Ayiieee. Kilig Overload! Sana lang talaga walang biglang susulpot na magical creature na tututol sa panaginip ko ngayon. Magkayakap kami habang nakahiga. I felt his warm breath on my forehead. Aish. Parang totoo talaga tong panaginip kong to.

Kung sa panaginip lang ako nagkakaroon ng pagkakataong mayakap siya, sana wag na akong magising.

*end of a beautiful dream*

Bigla naman akong kinilig ng maalala ko yung panaginip na yun. (>///<)

Humarap ako sa salamin. Di talaga ako makaget-over sa panaginip ko. Grabe kasi, napaka out-of-this-world. 

Ano kaya kung pagkatapos nya akong halikan sa noo, hinalikan nya rin yung lips ko? WAAAAHH! Hahahahaha. Ambisyosa ko talaga. Pero ano kaya kung nangyari yun?!

Iligo ko na nga lang to. Baka kulang lang to sa ligo. 

Huh?! Naka-uniform pa rin pala ako ngayon?

Humakbang ako papunta sa bath tub para buksan yung gripo. At hinubad ko na yung damit ko. Nilagyan ko na din ng liquid soap yung tub kaya sorang dami na ng bubbles. 

I quickly get in the tub. Ang ganda ng araw ko ngayon. Buti na lang at weekend. Walang pasok. Makakapag-babad ako sa tub ko kahit ilang oras lang. 

His High School Wife (ON-GOING)Where stories live. Discover now