Chapter 6: [The Truth And Nothing But The Truth.]

199K 3.7K 207
                                    

HANNA's POV

WOAH! Grabe naman tong lugar na to. Siguro mahal yung ginastos nila para lang sa birthday na to. Konti lang yung mga bisita pero mga mukang mayayaman. Color Blue yung motif ng party. Nakasunod lang ako kila Papa kasi ipapakilala daw ako sa kaibigan nya.

Pumasok kami ni Dad sa isang room...

"Hey, kumusta na!" Sabi ng isang lalaking kasing edad lang halos siguro ni Papa.

"Okay lang. Eto naman, parang ilang araw lang tayong di nagkita." Sabi ni Papa.

"By the way,"Bigla syang napatingin sakin. "Eto na ba si Ysabelle? Sophisticated young lady, huh? Dati lang, Ang cute cute nya pag naka pigtail." Usisa nya sakin. Mukha naman syang mabait. Palangiti.

"Ah, oo. Lumaki syang maganda." Well. naiilang na ko sa usapan nila.

"I guess everything goes well as PLANNED. I'm sure magugustuhan sya ni Brandon." Planned? What are they talking about? At sino naman yung 'Brandon' na yun?!

"Where is he?" tanong ni Papa.

"Andun pa sa hotel room, nagpapaayos. Maya-maya lang, dadating na rin yun. Anyways, enjoy the party! Lalo ka na Ysabelle!" ^_^ Ang bait-bait talaga nya. Kaso naghihinala na talaga ko sa topic nila.

Lumabas na kami sa room at humiwalay narin sakin sila Papa. Nag-ikot-ikot nalang ako sa buong pavillion ng hotel kung saan nagaganap yung birthday.

And suddenly, a guy walks toward me. Ang cute nya.

"Hi!" Nakangiting sabi nya sakin.

"Uhm... hello!" Sagot ko sa kanya.

"Are you alone? Para kasing kanina kapang walang kasama." Slang sya magsalita.

"Ah? Ganun ba? Kasama ko yung family ko. Friend kasi ng Papa yung Daddy ng celebrant. Ikaw? Kaano-ano mo yung celebrant?"

"Uhm.. He's my cousin. By the way, I'm Philip Daniel Montecort." Montecort? Diba Surname yun ni Kade? Baka kaapelyido lang nya. Psh.

"I'm Hanna Ysabelle Lim." Sabi ko at nakipagshake hands ako sa kanya.

"H-Hanna? Don't tell me you're the--" Hindi ko na narinig yung sinasabi nya kasi may nagsalita na sa stage.

........

"Ladies and Gentlemen. Thank you all for coming to my son's birthday. Thank you for being here to witness one of my son's most memorable moment in his life." Yung kaibigan ni Papa yung nagsasalita sa stage. Nagpalakpakan yung mga tao.

"Please welcome, my son, KADE BRANDON MONTECORT."

NO WAY. Sya yung may birthday?!?!

*flashback*

"Psst. Panget." Kalabit nya sakin ni Kade.

"Baket?" Taas-kilay na tanong ko sa kanya.

"Alam mo bang malapit na yung birthday ko. Sa Sunday."

"Bakit? Iiinvite mo ba ko?"

"Ba't naman kita iimbitahin? Private party yun no. Walang kong ka-schoolmate na invited."

*end of flashback*

Bakit ba nakalimutan ko na Brandon pala yung middle name nya? Eeew. I need to get out of here.

NO.

His High School Wife (ON-GOING)Where stories live. Discover now