Chapter 2

319K 4.9K 391
                                    

Chapter 2
(*edited)




HANNA's POV






Natapos ang party ni Hunter kagabi. Roadshow ang theme ng party nya. Ang daming clowns at ang daming kids! Masaya talaga bumalik sa pagiging bata.



Almost midnight na natapos yung party kaya puyat talaga ako at gusto ko nang kumain.




Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Hunter na nagbubukas ng mga gifts nya. Sila Papa at Mama naman, nagbebreakfast na.




"Hunter! Eat your food first. Marami ka pang oras para buksan yang mga gifts mo." Galit na sabi ni Mama.




"But Mama, I'll open them first." Sabi nya sabay kiss sa cheeks ni Mama. Hay nako, basta bata talaga, lahat ng gusto, nasusunod.




Umupo ako sa tabi ni Papa at nagsimula na din akong kumain.




"Hanna, there's something we want to tell you." Sabi ni Papa na nagpakaba sakin.




Umangat ako ng tingin sa kanya."Ano po 'yon?"




"Tomorrow I'll be the one who will send you to your new school." Papa said without even looking at me.




Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Papa. "What!?! At kailan pa ko nagbago ng school, Pa?"




"Well, may nag-sponsor sayo na pag-aralin ka sa school na 'yon. At wag mong sayangin ang pagkakataon. Montecort International Academy. International School 'yon kaya di basta-basta yung quality ng pagtuturo nila." Paliwanag nya. "They're one of the top schools in the entire country, Hanna."




The words he said took some timeto process in my head. "Pero paano na yung mga gamit kong naiwan sa boarding school? Ano na lang mangyayari saken? Maghahanap nanaman ako ng mga magiging bagong kaibigan, Papa?" Naiiyak na sabi ko sa kanya.




"Everything is settled. Pina-ship na namin lahat ng gamit mo pabalik. And your bestfriend can always visit you anytime she wants, anak." He gently pinched my nose and smiled at me. "I am sure na marami kang magiging friends sa bagong school mo."




I sobbed in front of my father. "I hate you, Papa!" Padabog na sabi ko sa kanya.




I ran to my room and shut the door loud as I can. Then, I threw myself on my bed. I started to cry.




Nakakainis!




Hindi naman ganoon kadali ang lahat eh! Mahirap malayo sa mga tao na napamahal na sa'yo. It was and will never be easy na lumipat sa panibagong eskuwelahan.




Kung kailan marami na akong friends sa all girls' boarding school, tsaka naman ako ilalayo sa kanila. Ang hirap kayang mag-adapt sa panibagong lugar....




WAIT! NO WAY! Siguradong hindi girls' school yung papasukan ko! Ayoko! May boys siguro akong mga magiging classmate! I HATE MY LIFE!!!




Narinig ko na may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko naman ni-lock ang pinto. Nakita ni Mama na hindi maganda ang pag-uusap namin ni Papa kanina.




"Baby, can i come in?" I heard my Mama's voice.




"Yeah." Sagot ko sa kanya na nakatakip padin ng unan yung mukha ko.




His High School Wife (ON-GOING)Where stories live. Discover now