Chapter 69

110K 2.2K 255
                                    

HANNA's POV










Ilang araw na din ang lumipas na hindi ko pinapansin si Kade. I tried to occupy myself with the requirements that are needed for school. Less than a month kasi ay graduation na. Mas mabuti na yung ganito kaysa magbulakbol ako.









Nakapagpasa na din ako sa school kanina. Wala nang regular classes at iilan na lang kaming nagpasa kanina.











As usual, wala na naman si Kade at nasa office. Nakapagpasa na kasi sya ng mga requirements sa school kaya he has the time para sa training nya sa company.











Parang hindi naman sya masyadong affected sa hindi ko minsan pagpansin sa kanya.











I guess he's too preoccupied with that Erika.











I shrugged to erase the thought of her in my mind. Naiinis lang ako.











Naiinis ako kasi wala akong lakas ng loob na kumprontahin sya kung sino ba talaga si Erika sa buhay nya. Naiinis ako sa sarili ko kasi parang mas binibigyan ko pa si Erika ng karapatan sa kanya.











Sawa na din akong umiyak. There's no sense. Ayoko din naman na umabot pa itong problema namin sa mga parents namin. Alam kong busy sila at gusto ko na ako mismo ang lumutas nito. Iyon ay kung may solusyon pa...











"Smile, Hanna. You need to be strong." I encouraged myself.











I sighed deeply then focused on cleaning the whole house. Halos manggigil na ako sa bawat alikabok kaya halos kumintab ang buong bahay. Nagpahinga lang ako nang makaramdam ako ng pagkahilo dahil sa pagod.











After an hour, nakita ko yung isang journal na alam kong kailangan ni Kade para sa office. Dito kasi nakasulat yung mga notes na ilang gabi na nyang pinaghihirapang sulatan.











I still care about him dahil mahal ko sya. Mahal ko pa din sya dahil tanga ako.











Tinawagan ko sya pero busy ang line nya. I even texted him pero hindi sya nagreply kaya nagdedisyon na lang ako na pumunta sa office nila. Wala naman ako masyadong ginagawa kaya pupunta na lang ako.











I got in my favorite navy blue dress and yellow flats. Kinuha ko na din yung ATM ko para mag withdraw ng pera kasi plano kong bumili ng bagong sapatos na gagamitin ko for graduation. Malamang ay dadaan ako sa mall mamaya pag-uwi.











Nilagay ko yung maliit ng journal na naiwan ni Kade sa bag ko. I took a cab papunta doon.











I gathered all my courage to smile when I entered the building's lobby. I just hope that Kade will be surprised when he sees me. I dressed well.











Nakarating ako sa pinakataas na floor ng corporate building. I asked for the old woman whom I think is Kade's Daddy's secretary. "Is Kade here?" Mahinang tanong ko dito.











Parang namukhaan nya ako at ngumiti sya sa akin. "Nasa loob po, Mrs. Montecort. Do you want me to call him?"











Umiling ako. "Wag na po. Ako na lang po ang pupunta." I said with a smile.











"Go straight to the second door on the right." Turo nya sa bandang kaliwa ko.











His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon