Chapter 10- [Bipolar]

209K 4.7K 182
                                    

HANNA's POV

"UWAAA! Ang gwapo talaga nya!" Grabe talaga to si Tin. Kulang nalang idikit nya yung mukha nya sa bintana ng classroom namin nung makita nyang dumaan si Phil--este si Daniel pala.

"Hoy! Paawat ka."

"Eh ang handsome kasi nya eh! Balita ko pa, matalino daw yan. Sayang kasi, bakit di natin sya naging kaklase." Naka-pout na sabi nya.

"Parang di kayo nagkakilala last time ah? Nagshake hands pa nga kayo diba?"

"Ahehe. ^_^ Sana maulit ulit yun."

"Wag ka mag-alala, pag niyaya ulit nya kong manuod ng movie, isasama ko kayo ni Patty. ^_^" Oops. Patay na. Patay na patay na talaga ako. Nadulas ata ako. PACKING TAPE NAMAN OH!

"Ha? Niyaya ka nyang manuod ng movie?!"

"Ah... P-parang ganun na nga.."

"Saka bakit parang close na close kayo? Nung first day palang ng pasok nya dito, ikaw kaagad yung kilala nya. Nagseselos ako ah. -_-"

"Ah.. Ano... Kasi... Classmate ko sya dati. Tama. Magkaklase kami dati." Juice ko po! Sana kumagat sya sa palusot ko!

"Ahe. Ganun ba? Kaya pala parang ang gaan ng loob nya sayo no?"

 

"Ah.. oo." Buti naman at kakagat pala talaga tong babaeng to. 

(.....)

Aish. Buti na lang at uwian na. In-anounce kasi kanina sa school na suspended na daw yung klase kasi may papadating daw na bagyo. Buti na lang din kasi parang wala akong ganang mag-aral nitong mga nagdaang araw kasi wala akong ibang nasa isip kundi yung kasal.

Bakit kaya hindi ata pumasok yung mokong na si Kade? 

Psh. Ano bang pakelam ko dun?

Kakalabas ko lang sa gate ng school at plano kong magcommute kasi wala lang.. trip ko lang.

Nakita ko si Daniel na nakasandal sa harap ng car nya na para bang meron syang hinihintay. Ang cute talaga nya! 

His High School Wife (ON-GOING)Where stories live. Discover now