Chapter 14- [Must. Not. Selos.]

173K 4K 70
                                    

HANNA's POV

P.S. Ang pangit ni Kade. Yun lang. (Refer to the Multimedia Thing.)

"Kumain ka na ba?" Tanong ko kay Kade. Kakauwi lang namin kagabi galing Hongkong. At ngayon naman, papasok na kami sa school. \(^_^)/

"Ano naman sayo kung kumain na ako? So, concern ka na sa akin ngayon?" Sungit ALERT!

"Hooy! Excuse me no, di ako concern sayo! Tinatanong ko na kung kumain ka na kasi kakainin ko na lahat ng nandito." Katakawan ko talaga. -_-

"Edi kainin mo lahat yan. Para tumaba ka." Nang-asar pa!

"Talaga!" Naiwan na ako sa kusina. Kain lang. 

Si Kade naman, pumunta sa sala at kinuha yung bond paper na nakalapag sa center table. Kanina pa nga ako nacucurious kung ano ang laman nun eh.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Basahin mo!" Hinagis nya sa akin. Napunta ito sa bandang paanan ko at pinulot ko.

"Ano to? House rules?!" 

"Di lang basta house rules yan. Kung ayaw mong maging misirable ang buhay mo, sundin mo yung mga nakalagay dyan!" Sabi nya sa akin habang nagsusuot sya ng sapatos. Mauuna kasi sya sa school.

"Mamaya ko na lang babasahin to." Nilagay ko yung papel sa bag ko. "Di ba talaga ako pwede sumabay sayo?"

"Tangengot ka talaga, edi nahalata na tayo sa school!"

"Ang daya kasi. Ikaw naka sasakyan, tapos ako maglalakad lang?!"

"Wala akong pakelam kung maglalakad ka o gagapang ka papasok. Basta tandaan mo ha, babae! Sundin mo lahat ng nasa papel. Pag hindi, LAGOT KA SA AKIN!" Tuluyan na syang umalis.

Waaah. Kainis. Sya may rules, ako WALA?! UNFAIR talaga!

(.....)

"HAAANNNAAA!" Salubong sa akin ni Tin sa room. Konti pa lang ang tao. Si Pat naman, ayun, nagpapaGANDA.

"Waaah. O.A. mo Christine (Tin) ah! Dalawang araw lang tayong di nagkita, kala mo naman isang dekada ako nawala. -_-"

"Ewan ko ba dyan kay Tin, kanina ka pa hinihintay." Sabat ni Patricia.(Pat)

"Bakit mo ba ako hinihintay? Namiss mo beauty ko no?" Waha. Maganda talaga ako. ^_^

His High School Wife (ON-GOING)Where stories live. Discover now