Chapter 29- [Day 3: Punishment ver 2.0]

182K 3.7K 203
                                    

HANNA’s POV

“Tara girl, tama na yang iyak portion mo. Sobrang maga na yang mga mata mo eh.” Tumalon sya sa kama kung saan ako nakahiga. “Basang-basa na yung mga unan ko dito oh. Pwede ng pigain.”

“Pasensya ka na ha?” Pinunasan ko yung luha ko. “Ang sakit pa rin kasi eh.”

In the game called ‘love’, the first one who will fall is the loser. Nung una, wala akong pakelam sa mga love quotes na yan. Ngayon ko lang narealize. 

Talo ako. Ako ang talo. Mahirap tanggapin pero pinaasa ko lang sarili ko. Dapat pala, dati palang, pinigilan ko na yung nararamdaman ko towards him. Pero… wala eh. Mahal ko na sya. Mahal na mahal ko na pala sya.

Hindi naman talaga ako mahal ni Kade eh. Pinaasa nya lang din ako. Yung mga sweet gestures nya sakin, sa tingin ko, trip nya lang yun.

Packing tape! Kung mahal naman siguro nya ako, di na sya magdadalawang isip na halikan yung Eliza na yun. At sya pa talaga ang nag-initiate ha?!

Ano sa tingin nya sa paghalik?! Basta-basta lang sya titikhim ng labi ng iba? It’s like tasting different flavors of candies for him. Iba’t-ibang flavors, mas masaya. 

ISA SYANG MALAKING ****** ***!!!



Dahil di ko alam kung saan ako pupunta kahapon, dito ako pumunta sa bahay ni Rina. Yung bestfriend ko sa boarding school na pinapasukan ko dati. Alam ko kasi na hindi ako matutunton ni Kade dito. 

Tinawagan ko na lang si Rina kahapon and she picked me up. Pinahiram nya ako ng damit nya. Kagabi pa nga ako iyak ng iyak eh. She insisted na iuuwi na lang nya ako pero ayoko talaga. Ayaw ko ng makita si Kade. Kahit kelan.

“Alam ko na! Gimik na lang tayo.” Sabi ni Rina habang naghahanap ng damit sa cabinet nya.

“Huh? Ayoko nga.” Umupo ako. “Dito na lang ako.” I said while sniffing.

“Ano ka ba naman. Look at yourself! Sobrang maga na yang mata mo kakaiyak. Di ka na nga natulog kagabi, di ka ba napapagod?”

His High School Wife (ON-GOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora