Chapter 33- [Day 6: Stay By Her Side] BS

166K 2.8K 241
                                    

[HAPPY 38k!!!!]

ATE ANYA'S NOTE:

PLEASE LANG, nakikiusap ako. Yung mga elementary at kinder dyan, (kung meron man) di masyadong wholesome itong laman ng Chap33. Some contents may appear too offensive din sa ibang tao of ALL ages. So, please be open-mided. Yun lang.

ANOTHER REMINDER: Paki INTINDI LAHAT ng scene dito. Lalong lalo na yung kay Hanna sa umpisa. Understood? Kasi LAHAT ng nasa chapter na ito, may kinalaman sa mga BIG EVENTS sa mga susunod na chapter. Owkie?

There are hints all over na magifflashback sa mga susunod na kabata. ;)

By the way, SA TINGIN NYO, SINONG MAUUNA KILA HANNA AT ELIZA?!

Now, you may proceed reading..... ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HANNA's POV

"Ate, matagal pa ba yan?" Tanong ko dun sa cashier ng isang convenience store na pinagbilihan ko ng mga pagkain. I repeat, MGA pagkain. Baka kasi gutom na din si Kade eh.

"Wait lang po ma'am." Sabi nya. Kanina pa nakalapag dito sa cashier yung mga bibilhin kong pagkain, babayaran na lang.

Nakapamewang na ako. "Pakibilis naman o." Sira kasi yung cash machine nila. Well actually, hindi naman totally sira, medyo nabubuffering lang. Basta ewan! Nakakaubos na ng pasensya.

Maya-maya lang, na-punch na nya yung mga pagkain ko. Aish. Grabe lang ha. Ang tagal.

Naalala ko tuloy nung una kaming magkita ni Kade sa isang convenience store. Natatawa na lang ako. Pero naiinis din kasi hanggang ngayon, di nya pa binabayaran yung 500 ko! >:((

Nung lumabas na ako sa convenience store na yun, tinawagan ko si Kade. Pero naka-off yung cellphone nya.

Bakit kaya?

Nagmadali na akong bumalik sa hotel. At sa pagmamadali ko, shoot, nabangga ko yung mga upuan sa isang restaurant. Yun yung mga restaurant na nasa gilid lang ng kalsada yung mga upuan. Bwiset lang talaga. Malas.

Sa sobrang lakas ng impact, nagbagsakan pa yung mga upuan at pinagtinginan pa ako ng mga taong kumakain sa restaurant at naglalakad sa kalsada. Nag-offer pa yung isang lalaki dun na tulungan ako pero 'no thanks' ang sagot ko sa kanya. Feeling ko, may sugat yung hita ko pero di ko muna yun pinansin...

Active ang mga tao dito sa gabi dahil dun nga nakilala tong Boracay dahil sa nightlife nito. Kaya di na rin ako natakot na maglakad mag-isa. Marami pa namang tao eh.

Tumakbo na ako papunta sa hotel. Actually, ilang establishments lang yung pagitan ng hotel at ng convenience store kaya di rin naman malayo yung nilakad-takbo ko.

Nung nasa lobby na ako ng hotel, tinawag ako ng isang receptionist.

"Miss!" Tawag nya.


Napalingon ako sa kanya. "Huh?!"

"Gusto nyo po bang pumunta sa clinic?" Tanong nya sakin.

"Po?!" What does she mean?

Tinuro nya yung bandang hita ko. "Hala!" Nasabi ko na lang. "Wag na po. Thank you for the concern."

His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon