Chapter 21- [The Unknown Cuddler]

171K 3.3K 402
                                    

HANNA's POV

Hoo! Hoo! Inhale.... Outhale....

Eto na. This is it.

Pinihit ko na yung doorknob. Kanina pa talaga ako kinakabahan eh. Kahit pa sarili namin tong bahay, kinakabahan pa din ako. Ano kaya ang dahilan nya bakit nya ako pinapauwi kaagad?

Pagpasok ko sa loob, nakaupo sya sa sofa. Pumapapak ng bacon. Napansin nya rin siguro na dumating na ako.

Actually, after 2 weeks, ngayon lang ulit ata sya nanood ng TV. Kadalasan kasi, sa kwarto agad ang direcho nya. 

Teka?! E bakit dito sya nanonood sa sala, e may TV naman sya sa kwarto nya ah?!

"O, nandyan ka na pala." Sabi nya habang nililipat yung channel.

"Ah... Oo." Napako lang ako sa kinatatayuan ko.

"Pumunta ka sa kitchen. May nakatakip don na bacon. May kanin din dun. Kumain ka." Mahinahon lang ang boses nya. Di katulad kanina ng magkausap kami sa phone. 

"Sige." Napakatipid lang ng mga sagot ko.

Pumunta ako sa kusina. Oo nga! May bagong lutong bacon, may kanin din. Parang naalala ko tuloy si Mama. Favorite ko kasi tong lagi nyang niluluto. T_T

Kumuha ako ng napakarami at tinambak ko sa plato ko. Patay-gutom mode. Nilapag ko yung plato sa dining table.

"Sinong may sabing dyan ka kakain?!" Nagulat ako sa sigaw nya. Kainis. San nya kaya ako papakainin?!

"E saan ako kakain?!"

He moved to the right side of the sofa. "Dito ka kumain!!" O_O Waaah!

His High School Wife (ON-GOING)Where stories live. Discover now