The One Game to Play

Start from the beginning
                                    

May isang imahe naman ang panandaliang gumulo sa aking ilusyon. Inabutan namin sa tapat si Jessie na nakatayo. May kausap siya, si Gabriel.

Hindi ko alam ang dahilan pero kinabahan ako.

Tumingin si Gabriel sa amin. Lumakad papalapit.

Si Jessie naman. Tumingin din, tapos lumakad papalayo.

Tumingin sa akin si Mama.

"Okay na po ako," sabi ko.

"Hello po, Tita, Tito," bati ni Gabriel.

Tumaas ang kilay ni Mama.

"Hindi pala sasaktan ang anak ko, ha," sabi ni Mama.

"Ma, ako na lang po," sabi ko kay Mama.

"Gabriel," sabi ni Mama. "Mag-ayos kayo. Babatukan ko kayong dalawa."

"Yes Tita," sabi ni Gabriel.

"Sige Alex," paalam ni Mama. "Una na kami ng Daddy mo."

Naglakad sila sa parking, sa sasakyan ni Daddy.

Naiwan kaming nakatayo ni Gabriel.

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Gabriel.

"Jessie told me that you passed out and that you were here in the infirmary," sabi ni Gabriel. "What happened?"

"Iyun, hinimatay ako," sabi ko. "Kulang ako sa tulog. Hindi ako nakakain kasi... kailangan ko ba talagang magpaliwanag sa'yo?"

"Not necessarily," sabi ni Gabriel. "So where are you going now? Hatid na kita. At least, ako naman ang sasalo sa iyo when you pass out again."

"Gusto mo ba talaga iyun?" tanong ko.

"Of course," sabi ni Gabriel.

"Bakit mo ako nilaglag nung una?" tanong ko.

"Kasi gustong-gusto mo nang bumitaw," sagot niya.

Hindi ako nakasagot. Ibabalik na naman niya na lagi kong pinipili si Jessie.

"Kukuha ako ng classcards," sabi ko.

"Me, too," sagot ni Gabriel.

Naglakad kami papunta sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto para sa akin. Tapos siya naman ang sumakay sa side niya.

Umandar ang sasakyan.

Walang usapan. Pangiti-ngiti lang siya na parang wala kaming nakaraan at walang puputahan. Gago ka. Alam ko na ito, ganito tayo nung nakipag-break sa akin eh. Ang taas ng level ng sweetness tapos bigla akong ibabagsak. Gago ka, diskarte mo bulok.

Galit pa pala ako. Galit pa talaga. Pero hindi ako papatalo sa galit ko.

Ngiti lang din ako. Hindi nya dapat makitang ipinagpalit ko ang pagkain at pagtulog sa pag-iyak.

"Anong ginagawa natin?" tanong ko.

"Getting our classcards," sagot niya.

Pinipilosopo niya ako. Ako na nga itong naglakas ng loob na magsimula ng usapan.

"Okay," sabi ko.

Tahimik ulit.

"Don't get me wrong," sabi ni Gabriel. "I was just worried when I got the call from Jessie. After all, we are still friends, right?"

"Of course we are," ay galit ako talaga, napapa-ingles. "You care pa pala."

"Of course I do," sagot niya.

Tahimik ulit.

Bumaba kami sa building ng college niya. Nagkataon na may mga subjects ako doon, at parehas kami ng department na pupuntahan. Sabay na kami. Kumuha rin siya ng classcards niya. Iyun lang naman. After nun, pwede na kaming maghiwalay.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now