Sumimangot si Chichi. "Let's not talk about him. Medyo cold war kami ngayon eh," himutok nito.

"Off na naman kayo?" Kaswal na tanong ni Ana sa kaibigan. Sa kaoon-off ng magkasintahan ay nasanay na si Ana roon. Old news ba.

"Sort of."

"Baka mamayang gabi isang text lang niya, bati na kayo kaagad," taas kilay na kantiyaw ni Ana kay Chichi.

"I know what you are doing bestfriend! Pinapaandar mo na naman yung evading tactics mo. Sorry but I'm not the topic today. Ang subject for today ay ikaw - kayo ni Ace," Chichi said with a determined face.

"Ahehe...Akala ko makakalusot eh," nakangiting turan ni Ana.

Inumpisahan ng lantakan ni Chichi ang mga inorder nito saka ito ready nang tumingin kay Ana.

"Once upon a time...ready start!"

"Fairy tale lang..." medyo natawang komento ni Ana sa narinig.

"Start na dali!" pagmamadali naman ni Chichi na hindi makapaghintay.

Sumipsip muna ng kape si Ana. Ewan ba ni Ana pero may special meaning na sa kanya ang kape ngayon. Epekto ng kapeng bigay ni Ace dun sa bundok. May sa gayuma yata talaga iyon.

"Di ba alam mo yung usapan namin ni Ace about dun sa almost a week na katahimikan sa buhay ko?" panimula ni Ana.

Chichi nods her head twice. "Yup! You will accompany him in the birthday party of Honey's Mom. Ngayon?"

"Hindi kami natuloy -"

"What? Hindi kayo natuloy? Bakit naman?"

"We came to Paradise," lahad ni Ana.

Medyo shortcut na ang pagkukuwentong ginagawa ni Ana. Hindi na nito inungkat pa ang pagdalaw ni Ace ng madaling-araw at pagpunta nila sa isang bundok para magkape at panoorin ang sunrise. Syempre minus all the happenings on that moment. Deleted rin sa kuwento ang tungkol sa pananapak na ginawa ni Ace sa kakambal niya. Kung iisipin more than 30% ang mga iyon.

"Paradise? The bar?" kunot-noong tanong ni Chichi.

"The one and only."

"Anong ginawa niyo dun? Sumayaw? Uminom?" natampal nito ang noo. "Jusko day, grabe lungs! Eh di minus mega points na niyan sa iyo si Ace. You hate going to bars. The first time you went there was when I asked you for my birthday."

May sasabihin sana si Ana na komento pero maagap si Chichi na muling nagsalita.

"Oh, oh... Lam ko na yan. I know, I know. Ipinagpalit kita sa kanya. Pero Ana naman, past is past! At least nameet mo si Ace."

Napangiti si Ana sa isip-isip nito dahil sa mabilis na reaction ni Chichi. Mukhang na-anticipate nitong ipapaalala niya ang kasalanan nito noong araw na iyon.

"Anong kinaganda nun?" nakangusong tanong ni Ana.

"Marami! Tulad halimbawa ng nagiging blooming ka like this moment. Oh di ba?"

Blangkong mukha lang naging tugon ni Ana.

"I get it po..." agad na behaved ni Chichi ng makita ang mukha ni Ana. "Okay Miss Morgans, please continue your story," inilahad pa nito mga kamay.

"Ayun nga, dinala niya ako sa Paradise imbes na sa party ng Mommy ni Honey. Tapos -"

"Tapos nag-away ulit kayo. Pinagalitan mo ito dahil dinala ka sa mausok, maingay, at puno ng alcohols na lugar. After that you ran away, leaving him there alone. Then, hinabol ka niya. Tapos kayo na." Chichi clapped her hands enthusiastically, kilig to the bones ang bruha.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Where stories live. Discover now