What happened? Anong nakain ni Ace at nilabas siya nito?

Omo…May gusto kaya talaga sa akin si Ace?

Thump…Thump…Thump…

Nagulat din yata ang puso ni Ana sa narinig dahil lumakas tibok nun.

“Wala ka man lang sasabihin?” tanong ni Ace kay Ana.

Tabinging sinuklian ni Ana si Ace ng ngiti. “Uhm…Let’s eat?”

Kahit hindi pa naririnig ni Ana ang sagot ni Ace ay nagsimula na itong kumain. Ace followed Ana and started eating also. The food is great kaya naman magana pa ring kumain si Ana sa kabila ng halo-halong nararamdaman. Maybe it’s the food but somehow, Ana gradually learned to relax and just enjoy the food.

“Ana…”

She nearly choked with her food when out of the blue Ace said her name. Nagmamadaling inabot ni Ana ang baso ng tubig at nilagok ang laman nun.

“Ana, how do you find the food?” Ace asked Ana.

What? Ace is asking her about the food? Bago yun ah. Madalas kasi ay walang pakialam si Ace kapag kumakain sila sa labas. Basta order lang noon ng order si Ana at sagot lahat ni Ace. Sa huli, panay reklamo si Ace dahil nagugulat na lang ito sa dami ng inoorder ng dalaga at sa laki ng bill.

“Masarap. These foods are among my favorites,” Ana calmly replied even though she finds the conversation awkward. Kunot-noong tinignan ni Ana si Ace. “How come all of these are my favorites? Di ko alam na alam mo pala paborito ko?”

Ace smiled knowingly. “Paanong hindi? Ako kayang laging taya kapag kumakain tayo sa labas. I should at least take on account what you ordered.”

Nagpout si Ana. “It’s not as if I ate them alone. Kinakain niyo rin naman inorder ko ah,” depensa nito sa sarili.

“Yeah, but you chose those foods for yourself,” akusa nito.

“Why shouldn’t I? Dapat lang naman na ang orderin ko ay yung gusto ko.”

“Oo nga, pero sino naman ang nag-oorder ng Hawaiian pizza with an instruction na without pineapples. Can you call that still as Hawaiian?” pang-aasar nito. Nangyari yung sinasabi nito ng minsang kumain ang dalawa kasama sina Bob at Ken sa isang restaurant na kilala sa mga pizza ng mga ito.

“But I don’t like pineapples!”

Hindi man pansin ni Ana at ni Ace, naging mas natural na ang pag-uusap ng dalawa. Nawala na ang tensiyong bumabalot sa kanila.

“Kung ganoon, you should have ordered something else. Yung walang pineapples,” Ace pointed out. “For someone who loves to eat, you are a picky eater.”

“At bakit? Porke’t past time kong kumain hindi na ako pwedeng maging choosy?”

“Not only that, but your taste is also a bit weird.”

“Huh, my taste bud is golden, akala mo ha.”

“You said you don’t like tomatoes, but why you still love to eat spaghetti?”

“Yung raw tomatoes lang ayaw ko!”

“How come you dip your fries in an ice cream? It’s not a sauce.”

Nagusot mukha ni Ana. “Wala namang law sa mundo na nagsasabing hindi puwedeng sawsawan ang ice cream ah. Bawal ba? Bawal?”

Mahinang tawa lang sinukli ni Ace.

“Yah! Di ko alam na binabantayan mo pala bawat subo ko tuwing kakain tayo sa labas,” reklamo ni Ana. Di siya makapaniwalang brinobrought out ni Ace ngayon ang mga topic na iyon.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon