SPECIAL CHAPTER: Bang! (New Year)

92 6 0
                                    

Hunter's POV

Inaayos ko ang mga prutas sa lamesa nang may marinig akong nahulog. Agad akong lumingon para makita kung ano 'yon.

"What are you up to now?" bigkas ni Hacker na nakasalampak sa sahig habang napapaligiran ng mga mabibigat na box. Napatakbo ako palapit para tulungan s'ya makatayo. Muntik na ako matawa pero mas nagalala ako sakanya.

Nasa harap mismo ng pintuan ang limang box kaya s'ya natalisod. Nakalimutan ko alisin dahil inuna ko ang mga basket ng prutas. Tinignan ko s'ya nang mabuti kung may masakit ba sakanya.

"I'm fine," mahinahon n'yang sabi.

"Sorry, nakalimutan ko alisin sa pintuan," sabi ko at agad na hinila ang mga box palayo sa pintuan.

"Ako na d'yan. What are these anyway?" tanong n'ya sabay binuhat ng walang kahirap-hirap ang dalawang box.

"Fireworks, fire-crackers, at mga torotot," sagot ko. Naningkit ang mga mata n'ya. Inosente ko s'yang tinitigan habang may maliit na ngiti. Baka nakakalimutan n'ya na mag New-new Year na. Syempre kailangan namin ng pampaingay.

"Bakit ganyan ka na naman makatingin sakin?" inosente kong tanong. Nakita ko ang pag-ngiti n'ya, na sinubukan n'yang itago pero mabilis ko itong napansin.

"You're always doing unusual things," komento n'ya. Nagsalubong ang kilay ko sa narinig.

"Anong unusual?! Mag New-new Year na! Wag n'yo sabihing wala rin kayong balak salubungin ang bagong taon?" Nakaramdam akong ng stress nang pasimple s'yang nag-iwas ng tingin. Talagang hindi sila nag-ce-celebrate.

Huminga ako nang malalim. Pero kung ako nga naman ang nasa sitwasyon nila, baka wala rin akong gana mag-celebrate. Oo, katulad ako nila, pero ilang buwan palang naman ako dito. Napakamot ako sa ulo at nilingon ulit si Hacker.

"Sasalubungan natin ang bagong taon with a bang. Tulungan n'yo ako maghanda mamaya," magiliw kong sambit.

"With a bang, huh? Why don't we use mine instead of these?" suhestiyon n'ya. Napamaang naman ako. Ang tinutukoy n'ya ay ang mga bomba sa loob ng drones n'ya. Pinaghahampas ko s'ya sa balikat. Tawa naman s'ya nang tawa.

Tinulungan n'ya akong magayos ng handa kaya natapos din ako agad.

"I'm pretty sure we won't be having fun outside. There's a lot of people," seryoso n'yang usal. "And it's cold, makapal ang snow," dagdag n'ya. Kaya nga gusto ko lumabas eh.

Madaming magagandang gawin sa syudad na 'to, kung isasantabi natin ang mga kababalaghan na nangyayare sa North Herlanion syempre. Isa sa kagandahan ng syudad na 'to ang pagkakaroon ng snow. 2 months ang itinatagal ng taglamig sa NHC, habang ang ibang syudad ni-katiting na snow ay wala.

"Ibang klase talaga ang NHC, nandito na lahat," sarkastikong bulong ko.

"So ano, sa gubat nalang tayo mag-celebrate? Ayaw n'yo pumunta sa mismong syudad?" tanong ko. Alangan namang gamitin namin yung fireworks dito sa loob. Kailangan namin lumabas.

Nasa gubat ang lokasyon ng hideout. Parang hindi naman maganda mag-celebrate dito. Malayo pa sa mga nagpapaputok.

"I'll ask the others," ang tanging sagot n'ya. Pansin ko ay parang mas ma-kontra s'ya ngayon, hindi katulad nung una ko s'yang pinilit mag-celebrate.

"I knew there were going to be boxes here." Napatingin ako sa kakarating lang na si Boss. Hindi na s'ya nagulat sa mga gamit sa paligid, binuksan n'ya pa ang isang box. "I want to try this for the very first time," sabi n'ya habang hawak ang fireworks. Lumiwanag ang mukha ko. Akala ko hindi s'ya magiging interesado.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now