Chapter 6

461 49 1
                                    

Hunter's POV

Malakas ang naging pagbagsak n'ya sa sahig. Wala akong nararamdamang kapangyarihan sa lalaking to kaya posibleng wala s'yang hawak na Lacrima.

Tatapat sana ng lalaki ang baril n'ya ulit sakin nang binaril s'ya ni Biker sa kamay, nabitawan ng lalaki ang baril n'ya. Sinunod n'yang binaril ang dalawang binti nito para 'di na s'ya makatayo. Ramdam ko ang sakit nang naramdaman ng lalaki nang sumigaw ito ng pagkalakas-lakas.

"Hanapin mo na ang swimming pool. I need too teach this man a lesson," malamig na usal ni Biker. Napalunok ako. Wala akong nagawa kundi tumango at nagmadaling tumakbo paalis.

Rinig ko ang sigaw ng lalaki habang papalayo ako. Napapikit ako. Hindi ko ma-imagine kung anong ginagawa ni Biker sakanya. Hindi na'ko lumingon para tignan pa sila. Hingal na hingal na'ko dahil sa pagtakbo, napakalaki naman kasi ng bahay. Ang isang katulad ko ay mahihirapan talagang maghalughog sa bahay na'to.

Nang makarating na'ko sa sinasabi ni Hacker agad kong binuksan ang pinto. Don ko nakita ang babaeng pilit umaahon sa tubig. Tumakbo ako palapit sa kinaroroonan n'ya. Akala ko nalulunod s'ya at hindi marunong lumangoy, pero nakita ko sa ilalim ng tubig na may nakalagay sa paa n'ya. Isang mabigat na bagay ang naghihila sakanya pababa sa tubig.

Tatalon sana ako sa tubig nang maalala kong hindi ako marunong lumangoy sa malaliman. Nataranta ako, pag lumusong ako hindi ko kakayanin, ipapahamak ko lang ang sarili ko, hindi rin pwede tawagin sila Bullet dahil alam kong tinatapos pa nila ang mga tao sa taas.

Nakita ko na s'yang malapit nang mawalan ng malay. Dali dali akong nakaisip ng paraan, kinuha ko ang pana ko at inasinta ang bagay na nasa ilalim ng tubig. Pagtira ko sa ilalim ay sumabog ang kung ano mang bagay na nagpapabigat sa paa n'ya. Nakahinga ako ng maluwag nang makawala s'ya, hinagisan ko s'ya ng lubid at tinulungan makaahon.

Ubo s'ya ng ubo nang makarating sa kinaroroonan ko, pagkahawak ko sakanya ay ramdam ko ang lamig ng katawan n'ya. Naghanap ako ng tuwalya at nilagay sa balikat n'ya, buti nalang may tuwalya sa gilid ng bench.Nahagip ng mga mata ko ang kadena na naka kabit sa paa n'ya, putol na ang dulo nito.

"M-maraming s-salamat... sayo," pilit s'yang nag-salita. Nangiginig ang katawan n'ya, sobra s'yang nilalamig. Bilib ako sakanya dahil nagawa n'yang makatagal sa swimming pool.

"Wa–" napatigil ako sa pagbalak na mag-salita. Tinitigan n'ya ako, mabilis nalang akong tumango at iniwan na s'yang mag-isa sa indoor pool.

Hindi kami pwede mamukhaan at mabosesan, hanggat maaari ay wag maging malapit sa mga biktima na nililigtas namin. Iiwan ko nalang s'yang mag-isa, dadating naman ang mga autoridad, sila na ang bahala sakanya.

Bumalik nalang ako kung nasaan si Biker. Napatakip ako sa bibig nang makita ang ginagawa ni Biker sa lalaki. Gusto ko masuka. May hawak na dagger si Biker, ginamit n'ya 'yon upang sulat sa katawan ng lalaki.

Binasa ko ang nakalagay. Asshole, nakasulat sa kaliwang braso. Dickhead, nakasulat sa binti n'ya. Fucker, nakasulat sa leeg. Mother Fucker, sa t'yan n'ya. Ang huli ay ang X sa noo n'ya. Nakadilat ang lalaki na palagay ko'y hindi na nahinga.

Ang lalalim ng laslas na ginawa ni Biker, halos makita ko ang laman loob ng lalaki. Tumayo na si Biker, binato n'ya ang dagger at saktong tumarak ito sa noo ng lalaki kung nasaan mismo nakapwesto ang X na ginuhit n'ya. "Let's go," tuwang sabi ni Biker. Nangilabot ako at ramdam ko ang ngiti sa likod ng itim na mask n'ya.

Lumakad na s'ya. Sumunod na'ko at hindi na muling nilingon ang kalagayan ng lalaki. Naliligo na ito sa sarili n'yang dugo at ayoko na ito pagmasdan pa.

Nakauwi na kaming lahat. Sinalubong kami ni Hacker na may hawak na remote. Tinapat n'ya 'to sa malaking flat screen tv. Nang bumukas ito, nakita naming na balita pala ang ginawa namin sa lalaki. Mayaman ang lalaki, ngayon ko lang din nalaman sa sikat pala s'ya. May-ari ang lalaki nang isang sikat na bar at madami ang napunta dito, hindi na nakapagtataka na makita s'ya sa tv. Napatingin ako kela Biker at kita kong wala naman silang masyadong reaksyon.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now