Chapter 20

308 35 0
                                    

Hunter's POV

Napatingin ulit ako kay Yin, nakita ko ang Lacrima na nakakabit sakanya, nasa likod ito nang kaliwang palad n'ya. Tinignan ko din sa dalawang bata, ang kay Morgi nasa dibdib n'ya habang kay Willy nasa kaliwang braso. Dahil sa Lacrima na nasa katawa nila ay parang lumalabas tuloy ang mga maliliit nilang ugat. Sigurado akong masakit ang pakiramdam na yan, hindi lang nila nararamdaman.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay ng dalawang bata, lumapit din ako kay Yin.

“Umalis na tayo dito.” Sabi ko na may ngiti sa labi.

Ilalabas ko sila sa impyernong to, kahit anong mangyare.

“Gagawin ko ang lahat para makalabas kayo dito, pangako yan.” Napatingala sakin si Morgi.

“Diba ate, promise are meant to be broken?” tanong n'ya sakin. Agad akong umiling.

Sino namang nag sabi n'ya sakanya? Napalingon ako sa gawi ni Yin, umiwas s'ya ng tingin. Napailing ako ulit at tinuon ang atensyon kay Morgi.

“May mga pangakong natutupad, katulad nang gagawin ko. Kung may pangako mang hindi natupad, yon ay dahil nag iba ang takbo ng tadhana, at diba hindi natin alam ang tadhana natin. Kaya ang bawat pangako na napako ay may kanya-kanyang dahilan, hindi yon basta dahil lang sa gusto ng taong hindi tumupad ng pangako.” Mahaba kong paliwanag.

“Pinangakuan kami ni Professor Malcolm ng magandang buhay nung inampon n'ya kami, pero ang magandang buhay na sinabi n'ya ay isang masamang bangungot.” Malamig na sinabi ni Yin.

“Hindi n'ya natupad ang pangako n'ya, eto pala ang tadhana namin.” Natahimik ako.

“Professor? You mean Mayor Malcolm is a scientist?” sabat bigla ni Biker na may onting gulat.

“Oo, ayoko na muna pag-usapan ang tungkol dyan.” Malamig n'yang tugon at lumakad na.

Pina-una ko si Yin sa paglalakad, sumabay sakanya si Biker. Ako naman sumunod habang hawak-hawak ang dalawang bata. Tahimik lang silang naglakad kasama namin. Hindi na umimik tungkol sa Mayor na isa din palang Scientist, wala din alam si Biker tungkol doon.

Ibig sabihin tago ang pagiging scientist ng Mayor?

Bumalik kami sa elevator dahil yun lang ang tanging daan palabas ng underground. Patay na ang lahat ng bantay, naabutan naming naghihintay sina Silencer sa may elevator.

“Ayan na ba sila?” tanong ni Silencer. Tumango kami.

Umupo naman si Swordsman para pantayan ang dalawang batang kasama ko. Hindi naman natinag ang dalawa at nakipag-titigan pa kay Swordsman.

“Ibang-iba sila sa mga batang nakikita ko.” komento ni Swordsman.

Yon din ang nasa isip ko.

“Naapektohan ang bawat parte ng katawan namin, lalong-lalo na ang utak.” sabi ni Yin.

“Naging matalino kami, nawalan ng emosyon at hindi nakakaramdam ng kahit anong sakit.” Lumingon s'ya sakin.

“Maraming salamat pala, you look like someone who is true to your words. I'm sorry for comparing you to that scientist.” Sabi n'ya sakin na hindi parin nagbabago ang ekspresyon kahit nahingi ng tawad.

Ngumiti ako.

“Wala yon,” sabi ko.

“Scientist?” sabi ni Silencer.

“We'll tell you later,” sabi ni Biker. Napatango si Silencer.

“Ano pala ang kakayahan n'yo?” tanong nalang n'ya.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum