Chapter 39

249 30 3
                                    

Hunter's POV

"Yes. In the middle of chaos, we found her walking down the street drinking a smoothie." Pagkukumpirma ni Yin.

Totoo nga, at hawak pa n'ya ang smoothie na yon hanggang ngayon. Napa maang nalang ako.

"Bakit s'ya sumama sainyo?" tanong ko.

"She's bored. Natapos n'ya na patayin ang gusto n'yang patayin." Sagot ni Yin sabay kibit-balikat.

Napatango-tango ako, naisip ko nang pormal na makipag-kilala sa bagong kasama nila Yin.

"Hi, ako si Hunt-"

"Hunter, yes I know you. Nice to meet you in person. You're pretty brutal than I expected." Nagulat ako nang mag-salita s'ya. Nakatingin din s'ya sa ginawa ko kay Kipton.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at malungkot na yumuko. Napansin nila ang pagtahimik ko. Naramdaman ko ang paghimas ni Yin sa likod ko, ginawaran pa ako ng yakap ni Morgi at Willy. Ramdam nila na malungkot ako, at alam nila kung bakit. Bumuntong hininga ako, sobrang nanlulumo ako pero kailangan ko tumayo at maging matatag dahil hindi pa ako tapos sa dapat kong gawin.

"We need to go to our last destination. And that's the bridge," sabi ni Ophiuchus.

Tinapon n'ya muna ang plastic cup ng smoothie na wala ng laman sa basurahan bago tumalikod at maglakad. Sasama s'ya samin? Parang nabasa n'ya naman ang isip ko nang lumingon s'ya sakin.

"I like to come along, I'm free now." May tuwa sa tono n'ya nang sinabi n'ya yon.

Hindi ko naintindihan kung anong ibig n'yang sabihin sa malaya s'ya. Tinitigan ko s'ya sa mga mata n'ya, ilang minuto akong naka titig don. Tumalikod na s'ya sakin. May naramdaman lang ako na hindi ko maipaliwanag, gusto ko ding makita ang mukha n'ya at tanungin kung bakit s'ya balot na balot. Pakiramdam ko don lang masasagot ang mga katanungan ko.

Ang makita ang mukha n'ya.

"Tara." Ngumiti ako at lumakad, naramdaman ko namang sumunod sila Yin.

Hindi ko na nilingon ang bangkay ng taong naging parte sa pagbabago ng buhay ko. Tinago ko nalang sa ngiti ang lahat ng sakit. Naging mabuti s'ya sakin, lagi n'ya akong inuutusan na lumayo pag-alam n'yang may hindi magandang mangyayare.

Hindi ko alam na magiging ganon ang pakikitungo n'ya sakin. Nasabihan pa akong taong napulot lang sa daan, pero hindi ako nainsulto sa sinabi n'ya. Nakakatakot s'ya, pero naging malapit ako sakanya. Brutal s'yang tao, pero maalalahanin s'ya. Nang sumali ako sakanila, don ko nasabing may nagawa akong tama. Madami akong nakilalang tao, pero ang grupong nakasama ko ang pinaka totoo sa lahat.

Broom

Natulala ako sandali. Isang motor ang dumaan lang malapit samin... isang ordinaryong motor. Umiling-iling ako. Aaminin ko, pagnaririnig ko ang tunog na yan, si Biker ang naiisip ko.

Bumuntong hininga ako, nagpatuloy kami sa paglalakad sa gitna ng kaguluhan. Hindi pa din kasi tapos ang digmaan.

THE MAYOR HAS FALLEN.

Nakita kong nag-flash sa screen ng syudad ang mensaheng yon.

"He really is dead, Biker did great." Sambit ni Hacker. Nakalabas ang hologram n'ya ngayon, mukang gusto n'ya talagang makita ang mensahe sa screen.

Maliit akong napangiti, dahil sa wakas nagawa na ni Biker ang matagal n'ya nang plano. Kahit pa madami itong kapalit, hindi maipagkakailang nakakatuwa ang tagumpay ng grupo na'to.

"She's amazing." Narinig kong sabi ni Yin sa tabi ko.

Tama. Sabi ko sa isipan ko.

Kung kami masaya, meron namang hindi natutuwa sa balitang narinig. Pagtapos ng paulit-ulit na paglabas ng mesahe ay biglang nag-iba at napalitan ng isang taong pamilyar ang mukha. Purong puti ang kanyang uniporme, kita ang mga badge na nagkikintaban sa kanyang kasuotan. Seryoso ang mukha n'ya at walang bahid na emosyon, kung meron man makikita mo dito ang galit na ekspresyon. Kasama kami sa mga taong tumigil at tumingala sa bawat screen para malaman kung bakit s'ya nag-pakita, pero sa parte namin mukang may alam na kami.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now