Chapter 23

290 35 2
                                    

Hunter's POV

Kung si Hacker man yon tulad ng sinabi ni Morgi ay kailangan ko bumalik. Kailangan ko s'yang tulungan.

Ano na kaya nangyare sa iba pa naming kasama? Ganon ba kalakas ang mga Executioners?

Humarap ulit ako kela Yin. Gusto kong sumama hanggang sa makalabas sila pero hindi ko ata magagawa yon. Kahit pa pilit kong gustohing wag pansinin ang balita ay hindi ko kayang abandonahin ang sino man sa mga kagrupo ko. Napahinga ako ng malalim, pumikit ako ng mariin at tumingin isa-isa kela Yin.

“Kailangan n'yo mag patuloy nang wala ako,” malungkot kong sabi.

Natahimik sila pero agad ding tumango. Agad ko silang niyakap sa huling pagkakataon.

“Mag-iingat kayo, pasensya na at kailangan ko umalis.” Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Lumalambot ang puso ko sa tatlong batang ito, ang sakit-sakit nilang iwan. Naramdaman ko ang pag-yakap nila pabalik. Humiwalay nako at tinignan ulit sila.

“Go now, we'll be fine,” sabi ni Yin.

Pikit mata akong tumakbo paalis, iniwan ko sila. Gusto ko pa naman sila makitang tatawid sa tulay ng ligtas, gusto ko masiguradong lalabas sila sa syudad na'to.

Pero hindi ko pwede hayaang mamatay si Hacker.

Hinawakan ko ang bracelet at buong puwersa yung sinira, tumalsik at nagkalat ang ilang parte nito. Naramdaman kong biglang umikot ang paligid ko, napatigil ako sa pagtakbo at nagpahila sa puwersang humihigop sakin.

Napunta ako sa isang madilim na lugar. Nasaan ako? nag palinga-linga ako at naghanap ng pindutan. Nang makahanap agad ko yung pinindot para mabuksan.

Nasa isa akong silid na walang kahit anong bintana tanging malaking pintuan lang ang nakikita ko.

“Hunter?” Nakarinig ako ng boses.

Agad akong lumingon kung nasaan yon. Nakita ko agad si Boss at Biker na nakatali ang kamay at paa. Mabilis ko silang pinuntahan para tulungan makawala.

“Paano kayo nahuli?” tanong ko habang tinatanggal ang tali sa kamay at paa nila.

“Masyadong malakas ang puwersa nila. They are definitely trained to catch criminals.” sagot ni Boss. Natapos ko na silang kalagan.

“Si Hacker.” Alalang sabi ko. Tumango si Biker.

“Alam namin, sa lahat satin s'ya ang pinaka nasa delikadong sitwasyon,” sagot ni Biker.

“Nasaan ang iba?” tanong ko. Tumayo na kami at pumunta sa nag-iisang pintuan.

“Inutusan ko si Bullet, Swordsman at Silencer na iligtas si Hacker.” si Boss ang sumagot.

“Susunod na tayo sakanila.” Biglang pinagana ni Boss ang Lacrima n'ya.

“Nasaan pala tayo ngayon?” tanong ko. Ang dami ko namang tanong, napakamot nalang ako sa sarili ko. Masyado akong kinakabahan ngayon.

“Nasa isang volt, katulad ito sa tatlong bata.” sagot ni Biker. Tumingin ako sa paligid.

Bumalik lang pala kami sa underground laboratory.

“Iron Fist!”

BOOSSHH

Napayuko ako dahil sa malakas na pagsabog. Pagtingin ko sa pintuan ay wasak na ito, sinuntok lang naman ni Boss ang pintuan na gawa sa matigas na bakal.

Ang lakas ni Boss. Ginamit n'ya lang ang isang kamao n'ya.

Naglakad na kaming tatlo palabas, wala akong nakitang nakabantay. Siguro ay nasa elevator na naman sila.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu