Chapter 41

274 31 2
                                    

Hunter's POV

Pasimple kaming nagtago sa gilid at tinignan ang paligid.

"There are a few people here, and I can see the buses from a far," sabi ni Ophiuchus samin. Humarap s'ya samin.

"Okay, act natural. Baka kuyugin tayo ulit. I don't want to get mad and accidentally kill these people." Ngumiwi ako, nagiging aksidente pa pala ang pagpatay n'ya minsan?

Tumango kami bilang tugon at naglakad na. Si Hacker ay nauna samin na lumipad sa taas, s'ya na bahala kung paano n'ya itatago ang sarili n'ya.

"Do we need bus tickets?" tanong ni Morgi.

"Nope, we'll get the vehicle to ourselves." Napailing-iling nalang ako kay Ophiuchus.

"Nanakawin natin ang bus?" paglilinaw ko.

"Correct," tumango-tango s'ya.

"Meow." Napatigil ako nang makarinig ng pusa.

Lumingon ako sa gilid at nakita ko ang pusa na sobrang payat. Naawa ako sa kalagayan n'ya, ginala ko ang mata sa paligid at naghanap ng pagkain.

"Hunter may problema ba?" bumalik sina Ophiuchus sa tabi ko.

"Kawawa naman ang pusa, teka hahanapan ko lang ng pagkain." Paalam ko at tumakbo.

"Teka Hunter!" tawag n'ya. Hindi ako tumigil at tinuon ang atensyon sa paghanap ng pagkain.

"What do you think you're doing?" Sumulpot sa harapan ko si Hacker kaya napatigil ako. Muntik ko na mangudngod ang mukha ko sa drone n'ya.

"You do know that we're in a hurry?" Sumimangot ako.

"Kawawa kasi ang pusa na nakita ko Hacker. Payat na payat na s'ya, kita ko na ang mga buto n'ya, halata ding nanghihina na s'ya," sabi ko.

Napabuntong hininga nalang si Hacker sakin.

"Please, tulungan natin s'ya." Pinagdikit ko ang dalawang palad ko at nagpa-awa sakanya. Napahilot s'ya sa sintido n'ya, kahit pala hologram lang s'ya naii-stress din.

"Stay here, I'll go get them for you." Lumiwanag ang mukha ko.

"Talaga?" masaya kong sabi.

"Yeah yeah, wait here." Tumango ako.

Mabilis s'yang umalis at mabilis ding nakabalik. Gulat nalang ako nang dalawang sako ng pagkain ng pusa ang dala n'ya, may box pa na malaki.

"Salamat Hacker," masayang sabi ko.

Mabilis akong tumakbo pabalik kela Yin.

"Wow! ang dami ate Hunter," sabi ni Willy.

Nakangiti ako habang inaayos ang pagkain at ginawan ng bahay ang pusa. Minadali ko na dahil alam kong kailangan namin makaalis agad. Tuwang-tuwa ako nang matapos mag-ayos.

"Ako si Hunter, s'ya si Ophiuchus, eto si Yin, Morgi at Willy. Yung kumuha ng mga 'to ay si Hacker. Sana maalala mo pa kami, aalis na kami ah, paalam." Tumayo ako at tumalikod, nagpaalam din sila Ophiuchus sa munting pusa. Hinimas pa nila ang ulo ito.

"Meow." Ang huli kong narinig. Napapikit ako at nag patuloy na.

Nandito na kami sa bus station. Mabuti at medyo hindi kami nakikilala ng mga nadadaanan namin, kaya mabilis kami nakarating. Naghanap kami ng bus. Si Ophiuchus ang unang nakakita ng bus na walang taong nakasakay.

Nang binuksan n'ya ang pituan ng bus ay nagulat kami nang makita ang driver na natutulog sa loob. Agad s'yang nagising dahil sa pagbukas ng pinto ni Ophiuchus. Nakita n'ya na hindi kami ordinaryong tao kaya kumuha s'ya ng bakal sa tabi n'ya at tinutok samin. Nanginginig pa ang kamay n'ya.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now