Chapter 15

335 38 0
                                    

Hunter's POV

“Sapol!” halos mapatalon ako nang matamaan ko ang Lacrima na nakakabit sakanya.

Kasabay nang pagsira ng Lacrima ang pagbaon ng palaso sa bewang n'ya. Napasigaw s'ya, unti-unti na ding bumalik ang dating anyo n'ya.

Tumakbo ako at hindi ko hinayaan na makatayo s'ya muli. Tinutok ko sakanya ang dagger na nilabas ko sa bulsa ko.

“Arrgg! Get off of me!” Sabi n'ya nang tinapakan ko ang palasong nasa bewang n'ya.

“Kung ano man yang gusto mo, you will never get it.” Madiin n'yang sabi sakin habang namimilipit sa sakit. Tinuon ko ang atensyon ko sa leeg n'ya, diniin ko ang dagger don. Medyo nanginginig pa ako. Ngayon lang ako nanutok ng patalim.

“Kung hindi dahil sainyo buhay pa sana si Mama,” mapait kong sabi. Kumunot naman ang noo n'ya.

“What are you talking about?” Wala s'yang kaalam-alam. Lalong sumiklab ang galit ko sakanya.

Marahas kong tinanggal ang sergical mask sa bibig ko, nakita kong medyo nagulat n'ya nang makita ng tuluyan ang mukha ko. Masama ko s'yang tinignan, mahigpit kong hinawakan ang dagger.

“Nakakausap ko pa si Mama non. Alam ko, ramdam ko! Dapat buhay pa s'ya.” Humina ang boses ko sa huli kong binigkas. Bumalik ang kirot sa puso ko, para itong tinutusok ng karayom.

“Ikaw—”

Hindi ko na s'ya pinatapos, binaon ko na ang dagger sa leeg n'ya, madiin na madiin. Naabutan ko pang nanlalaki ang mga mata n'ya nang sinaksak ko s'ya. Hindi nagtagal ay unti-unti na s'yang pumikit.

Bumuntong hininga ako bago tumayo, hinugot ko ang dagger na puno na ng dugo n'ya. Walang buhay akong naglakad papunta sa elevator, hawak ko lang ang dagger na hindi ko na inabalang itago. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo ni Nurse Bianca sa sahig na nagmumula sa patalim na hawak ko.

Minsan talaga nasa kamay natin ang sarili nating hustisya at hindi sa ibang tao.

Ting

Nakayuko akong pumasok sa elevator, nanginginig ang kamay kong pinindot ang numero nang palapag ng gusali. Sumandal ako sandali at hinintay makarating sa taas.

Muling tumunog ang elevator, nandito na'ko. Dahan-dahan akong naglakad palabas, mabibigat ang mga hakbang ko patungo sa opisina ng doctor. Medyo madilim din sa pasilyo na'to, hindi na'ko nagulat. Nagtataka pa din ako kung bakit malimit ang mga taong nakikita ko ngayon. Kanina lang may onti pa akong nakikita

Natigilan ako nang may makitang naglalakad papunta sa direksyon ko. Isang babae, naka puti s'ya at mahaba ang buhok. Kumunot ang noo ko.

Isang pasyente?

“Tulong.” Nang-hihinang sabi n'ya.

Akala ko ay namamalik-mata lang ako, pero hindi. Sa mahabang pasilyo ay may naglalakad talaga papalapit sakin. Hindi na'ko gumalaw at hinintay nalang s'yang makarating sa harap ko, para kasi akong na istatwa nang makita s'ya. May dugo pang tumutulo sa noo n'ya.

Buti inalis ko sa isip ko na baka multo ang nakikita ko ngayon.

Hindi s'ya multo, kundi totoong tao at base sa suot n'ya ay walang dudang pasyente s'ya.

Napatigil din s'ya nang makita ang hawak kong dagger, bahagyang napabuka ang bibig n'ya. Parang s'ya pa tuloy ang natakot sakin.

“Kasama kaba ng doctor?” Takot na tanong nya.

Agad akong umiling, tuluyan na s'yang lumapit sakin, binaliwala ang nakita sa kamay ko. Nagulat pa'ko, pero hindi ako umatras, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon