Chapter 19

339 36 2
                                    

Hunter's POV

Nagising ako nang magaan ang pakiramdam. Eight na ng gabi at nauna pang nagising si Boss, Hacker at Biker na naabutan kong may mga inaasikaso na.

Anong oras kaya sila nagising?

Hinaplos ko ang leeg ko, wala akong nakapang nakakabit dito. Napangiti ako, totoo ngang natanggal na ang bomba, kala ko isa lang yung panaginip. Hindi pa din ako makapaniwalang nalaman agad ni Hacker kung paano tanggalin ang bomba. Mga isang oras din ata yon, pero mabilis na din. Kung ako ang mag-iisip sa isang bagay baka abutin pa nang ilang linggo o buwan.

Pero pa'no n'ya kaya nalaman yon no? Hindi ko na kasi nagawang tanungin sakanya. Umalis na s'ya pagtapos n'yang matanggal ang bomba, hindi na din ako nag pumilit mag tanong, saka gusto ko na din matulog non.

Tumayo ako at naghanda na din, nagpunas ako nang sarili at nagpalit ako ng damit. Napapadaing pa'ko minsan dahil sa mga sugat ko sa katawan, sumpain talaga si Nacario, dahil sakanya nahihirap ako kumilos.

Nag dress na muna ako ngayon at doll shoes na komportable sa paa ko. Nahihirapan kasi ako gumalaw, nasisikipan ang sugat ko pag naka pantalon, lalo akong mahihirap kumilos. Buti nalang may mga dress dito, huli ata akong nag ganto mga 10 years old ako.

Lumabas na'ko sa panag-bihisan ko, unang nahagip ng mata ko ang seryosong pag-titipa ni Hacker. Napahagikgik ako, dahil don napa-lingon sakin si Hacker.

"What's funny?" Masungit n'yang tanong.

Umiling ako at walang sabi-sabing umalis. Seryoso talaga s'ya lagi pag nagtitipa, hindi ko ata s'ya nakitang ngumiti pagkaharap ang computer. Nagkibit-balikat nalang ako at kinuha ang pana ko.

May inasinta akong isang bagay at pinatamaan ng palaso. Sapol ang ulo ng manika na nasa pangalawang palapag nakalagay, habang tumatagal gumagaling na'ko sa pagpana.

BANG

Nagulat ako nang bumaril si Bullet mula sa likodan ko, inasinta n'ya din ang manika. Nahati ang palaso ko dahil sa bala at naglaho. Sinimangutan ko s'ya. Edi s'ya na magaling.

Tumawa lang s'ya, umasinta ulit ako pero tinatamaan lang n'ya yon gamit ang baril n'ya.

"Tama na muna paglalaro, hali kayo dito." narinig namin sabi ni Boss.

Lumapit kami sakanya, may tinitignan si Boss sa hologram, ayan ata ang palasyo. Sobrang laki pala nito kesa sa inaasahan ko. Ang problema pa dito ay madaming nakabantay, kita ko ang mga bilog na ilaw na gumagalaw na possibleng mga tao.

"Kung madaming nakabantay sa taas ng palasyo mas lalo na sa baba. First we better make sure that we get those kids out of the palace before we go after the Mayor. Tignan n'yo ito." May tinuro si Boss sa mapa.

Parang yan ang unang pinto papasok sa underground, ang daming nakahilerang bantay.

"It's like a whole army is guarding that place," komento ni Bullet.

"Those kids really are trap under there." Sabi ni Swordsman habang kumakain ng chips. Ang takaw nya talaga minsan.

"Sisiguraduhin muna nating makakalabas sila, pag-pinagsabay natin ang minsyon baka mabulilyaso tayo." Napatango kami sa sinabi ni Boss.

"Remember your place and wait for each others signal. Okay?" Tumango kami kay Boss. Tumayo na s'ya.

"Are we all set?" tanong ni Boss kay Hacker.

"Yeah, I know what road we can take to get to North Herlanion fast," sagot ni Hacker.

Humarap si Boss samin.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now