Chapter 3

581 66 1
                                    

***

Nakarinig ako ng mga nagi-iyakan. Mahihina pero napaka dami ng iyak na naririnig ko. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko, hinintay ko mag-adjust sa konting liwanag ang paningin ko, hanggang sa nakakita na'ko nang maayos.

Laking gulat ko sa nakita. Nasa isang kwarto ako, kada gilid may kulungan ng mga babaeng walang saplot. Puro sugat at pasa sila, magugulo ang buhok, may kadena sila sa leeg at sa gilid nila may pagkain at tubig na nakalagay na dog bowl. Kailangan pa nila yumuko para kumain.

Ginawa silang parang aso.

Napatakip ako ng aking bibig, nakakasuka ang lugar na'to. Bilang isang babae, hindi maganda ang nakikita ko.

Ang lalong nag-pakulo ng dugo ko ay may nakita pa akong mga batang babae. Tumayo ako para malapitan man lang sila, pero hindi ko nagawa, pagtingin ko sa sarili ko ay may nakapulupot na tali sa buong katawan ko. Hindi ko maigalaw ang kamay at paa ko, nag-panic ako pero pilit kong pinakalma ang sarili ko. Tinignan ko ang paligid, medyo maalingasaw ang amoy dito dahil mukang hindi sila pinapaliguan. Puno ng awa ang mga mata ko sakanila.

"Sino ang may gawa nito sainyo?" tanong ko sa mga babaeng mas malapit ang kulungan sa pwesto ko.

"Wala s'yang awa, lahat kami winalanghiya n'ya," iyak ng isang babae.

"He burned my body with cigarettes," mahinang sabi ng isa pang babae. Kita ko ang mga maliliit na sunog sa katawan n'ya, maliit lang pero napakadami ng paso n'ya. Hindi ko ma-imagine ang hirap na dinanas n'ya.

"Pina gangbang n'ya ako sa buong tauhan n'ya," tulalang sabi ng isa pang babae. Nasa malayo ang tingin n'ya. "Muntik n-na'ko m-mamatay nung araw na 'yon, pero sana... sana nga namatay nalang a-ako, h-hindi ko masikmura ang lugar na'to," tumulo ang luha sa mga mata n'ya. Tumalikod s'ya at tahimik na umiyak.

Kanya kanya silang sabi ng mga hinanaing nila. Kahit na hindi ko sila kilala ay parang gusto ko sisisihin ang sarili ko dahil wala akong magawa kundi panoodin ang paghihinagpis nila.

Nakarinig kami nang pagbukas ng pinto at don ko nakita ang matandang nakausap ko. Lahat sila ay nagsi-tahimik. Malawak ang ngiti sakin ng matanda nang makita n'ya ako. Lumapit s'ya at tinapat ang mukha n'ya sa mukha ko. Agad akong lumayo, alam kong kita sa mukha ko ang pandidiri sakanya.

"Magiging isa ka sa mga koleksyon ko," sabi n'ya. "Hayop ka," mahina kong sabi pero may diin. Ngumisi s'ya at mahinang tumawa.

"Tapang ah, gusto ko yan," asar n'ya sakin at tinapik-tapik ang pisngi ko. Napapikit ako sa sobrang pandidiri sakanya, napadikit nalang ako sa pader sa kakalayo para hindi ako mahawakan ng madudumi n'yang kamay.

Gusto ko masuka, sa bawat tapik ay ramdam ko ang hagod n'ya sa pisngi ko.Nagtatangis na ang bagang ko at sobrang gigil na ang naramdaman ko. Nakarinig na naman ako nang pagbukas ng pinto at pumasok ang mga tauhan ng matanda. May hila-hilang isang batang babae.

"Sabi n'yo po may toys dito, nasaan na po?" sabi ng bata. Napakagat ako ng ibabang labi ko, napaka inosente ng bata at may headband pa s'yang suot. Dahil don ay naalala ko ang kapatid ko. Napapikit ako at mahinang napa iling.

Hindi, may isa na namang bata ang masisira ang buhay.

"Bring her inside my room," utos ng matanda. "Doon tayo maglalaro ineng," sabi pa ng matanda sabay mahinang tumawa.

Mabilis akong napalingon at tinitigan s'ya ng masama. Tumigil s'ya sa pagtawa at tumingin sakin."What? You wanna come?" natatawa n'yang sabi.

Bago pa ako makapag-salita ay sinenyasan n'ya na ang mga tauhan n'ya. Agad na may isang humila sa'kin papasok sa isang silid. Nakita ko pa ang mga naaawang tingin ng mga biktima sakin at sa bata pagka-sara ng pinto. Inalis nila ang tali sa buong katawan ko pero may naiwan pa ring tali sa kamay ko. Binuksan ng matanda ang ilaw, don ko nakita ang mga gamit nya sa kwarto n'ya.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now