Chapter 16

349 41 3
                                    

Hunter's POV

Mabilis ko nang hinanap ang Lacrima nila. Mabuti't nasa tabi lang ng bangkay nina Nurse Bianca at Dr. Gil Santos ang Lacrima kaya hindi na'ko nahirapan maghanap.

Sinilid ko na yon sa bulsa ko at umalis, kanina pa ding naka bukas ang mga ilaw. Kontrolado ng doctor ang hospital na'to, pwede n'yang gawin ang kahit anong naisin n'ya sa mga pasyente, kahit sa mga taong nandito. Ngayon ko lang napagtantong pinatulog n'ya ang mga tao sa hospital, ilan lang ang mga gising kaya siguro nung unang pasok ko bilang lang sa daliri ang nakikita ko.

Nag palit ako ng damit sa isang bakanteng kwarto, may mga nagsi-silabasan ng mga tao. Hind ako pwedeng makitang puno ng dugo ang damit. Nang makuntento sa sarili ay lumabas na ako nang nakabihis ng pang-nurse, bago din ang sergical mask na sinuot ko.

Medyo hindi nga ako komportable eh. Masyadong hapit sa katawan ko ang nakuha kong uniform, bakit naman ganto kahigpit to? Kaya nag mu-mukang sexy ang mga nurse sa hospital na'to dahil sa hapit nilang uniform. Bumuntong hininga ako, wala na'kong pagpipilian ganto talaga ang uniform nila. Mas gusto ko pa ang uniporme ng mga janitor, kaso ay kailangan ko pa pumunta sa janitors closet at ayoko namang makita ang mukha ko. Lalo na sa babaeng una kong nakasalubong, muntikan pa talaga akong atakihin sa puso dahil sakanya.

Patay malisya lang akong naglakad sa pasilyo hanggang sa makababa. Madami na'kong taong nakakasalubong, ang iba nalilito pa kung ano ang nangyare. Mukang natagpuan na din ang bangkay nina Nurse Bianca, may ilang mga guards ng hospital ang nagsi-sitakbuhan sa lugar kung saan ko iniwan ang bangkay ng doctor, meron ding nagmamadaling bumaba.

Natigilan ako nang makita ang babaeng humingi sakin ng tulong kanina. Tulala s'yang nakatingin sa kawalan, palagay ko din nakalimutan n'ya na ang nangyare.

Sana nga.

Hindi ko na inabalang lapitan s'ya at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Narating ko na ang labas ng hospital, madaling araw na. Kailangan ko na makabalik.

Nasaan naba si Biker?

Nagpalinga-linga ako sa paligid, hindi ko nakita sa Biker. Hindi paba s'ya tapos? inaasahan ko pa naman na makikita ko s'ya agad pagkalabas ko. Hihintayin ko ba muna sya? Baka nauna na s'ya sa sobrang tagal ko. Napanguso ako sa naisip.

“Are you waiting for me?” Masaya akong lumingon sa taong nag-salita.

Pero agad ding nawala yon nang makita ko kung sino ang dumating. Kaya pala iba ang boses.

Bakit buhay pato?

Nacario.” Mahina kong sabi. Napatiim bagang ako.

“Ano ginawa mo kay Biker?” Galit kong tanong. Hindi n'ya kasama si Biker, anong nangyare kay Biker?

“Biker? Oh s'ya ba ang dapat na pupunta sakin? It would be better if it were you,” sabi n'ya. Nakuyom ko ang kamao ko.

“As for that person, I set a trap at my house, I dont know what happened to her. She's none of my concern, my concern here is you.” napaatras ako nang akma s'yang lalapit.

“By the way, you look good in that nurse outfit.” Pagpuri n'ya.

Sumimangot ako, gusto kong mag-sisi kung bakit eto pa ang napili kong suotin. Inalis ko ang nakakailang na pakiramdam sa loob ko at tinignan s'ya nang deretso. 

“Nasaan si Biker?” Pag-uulit ko at sinamaan s'ya ng tingin. Tinaas n'ya ang parehas n'yang kamay, parang sumusuko.

“Relax, wala akong ginawa sakanya. Kung gusto mo tawagan mo s'ya.” Ngumiti s'ya sakin.

Pinanliitan ko pa s'ya ng mata bago kunin ang cellphone ko, pinindot ko ang number ng sadya ko. Nasa kanya lang ang mga tingin ko habang hinihintay kong sumagot si Biker. Baka kung anong gawin n'ya habang naka-alis ang tingin ko sakanya, mahirap na.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now