Chapter 37

236 29 5
                                    

Hunter's POV

Sinaksak ko ang galamay na pumupulupot sakin kaya ako nakawala. Sinunod ko din ang nakapulupot kay Biker. Nang makawala na din s'ya ay agad n'yang pinuntahan ang motorbike n'ya na nasa gilid lang ng office. Nilabas ko ang pana ko. Lalapitan ko sana sina Yin nang isang malakas na hampas ang naramdam ko na nag-patalsik sa'kin papalayo. Tinangay sina Yin mula samin, at hindi ko sila nagawang bawiin.

Agad akong tumayo, sinugod ko ang Executors na pumigil sakin kanina. Nilabanan ko ang malaking espada n'ya gamit ang dagger lang na hawak ko. Galit ako dahil kinuha na naman nila sina Yin. Nagawa ko s'yang hiwaan sa braso, tumalon ako palayo nang iwasiwas n'ya ang espada n'ya, kinuha ko ang pana mula sa likod ko at inasinta ito sakanya. Bumagsak s'ya matapos ko bitawan ang palaso. Nanggagalaiti ako, pakiramdam ko lumalabas na ang ugat ko sa ulo dahil sa sobrang galit.

Tinignan ko si Biker. Nagmamaneho s'ya at hindi alintana ang mga nasasanggi n'ya. Sinisira n'ya ang paligid habang kinakalaban ang mayor. Umasinta din ako at tinutok kay Malcolm ang palaso. Sa kasamaang palad ay mabilis umilag ang mayor, kahit si Biker ay nahihirapan makipag-sabayan sa suntok at sipa sakanya. Naglalaban na sila ngayon, tumalon lang naman si Biker paalis ng motorbike n'ya at sinugod ng saksak si Malcolm.

Nagsi-datingan na ang sandamakdak na Executors sa paligid. Hindi ko sila hinayaang makigulo sa laban nila Biker, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi sila maging sagabal. Tagaktak ang pawis ko sa dami ng ginawa kong atake. Parang kada minuto ay lumalakas sila, hindi kaya dahil nandito mismo ang higanting Lacrima? Dumako ang tingin ko sa likod kung nasaan ang malaking kristal, patagal ng patagal ay lalong lumiliwanag ito. Nakita ko din ang Mayor na nababalutan ng asul na liwanag. Napatiim bagang ako, wala man lang galos na natatamo ang mayor, hindi lang sa isang maliit na kristal s'ya kumukuha ng kapangyarihan, kundi sa higanting Lacrima mismo na'to.

Tumakbo ako palapit sa kristal. Hinugot ko ang dagger ko at ginamit ito pangsira. Nagkaroon ng pinsala ang Lacrima nang itarak ko ang dagger, pero maya-maya nakaramdam ako ng sakit sa kamay kaya napabitaw ako sa dagger. Sinapo ko ang kaliwang kamay ko, para itong napaso, wala akong nakitang kahit anong marka pero naramdaman ko ang paso sa kamay ko.

Hindi s'ya pwede basta-bastang sirain?

“What do you think you're doing?” Napa pitlag ako nang maramdaman ang kamay ng mayor sa balikat ko.

Nanginig ako sa takot sa simpleng hawak n'ya. Agad akong lumayo, pinagpag ko pa ang balikat ko kung saan n'ya mismo hinawakan. Mariin s'yang tumingin sakin bago ilipat ang tingin sa Lacrima at don nakita n'ya ang bitak na ginawa ko. Matapos non, sa paglipat n'ya ulit ng tingin sakin nakaramdam na ako ng malakas na puwersa na nag-patalsik sa'kin palayo sa Lacrima. Tumama ang likod ko sa pader kasabay ng pag-ubo ng dugo.

Napapikit ako nang maramdamang tumulo ang dugo sa bibig ko. Sinapo ko ang t'yan ko at nanghihinang tumayo.

“You're wasting your time.” Narinig kong usal ni Malcolm.

Hinanap ko si Biker. Natulala ako nang makitang nakahandusay na s'ya sa sahig.

Hindi!

“B-biker!” Nahihirapan kong sigaw sakanya.

Nakahinga ako ng maluwag nang gumalaw ang kamay n'ya. Buhay s'ya! Halos maluha ako. Kinalma ko na ang sarili ko at dahan-dahang lumapit sakanya. Pinilit n'yang tumayo.

Pakiusap, wag mo muna ipilit tumayo.” Mahina kong sabi upang pigilan s'ya. Ni hindi ko alam kung narinig n'ya.

“Biker.” Tumayo pa din s'ya. Nakapikit na ang isa n'yang mata at hindi na maidilat ng maayos.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now