Chapter 11

386 38 0
                                    

Hunter's POV

Napunta kami sa isang abandonadong factory. Madumi, may mga agiw at alikabok na sa paligid. Inalis namin ang mga dumi sa isang parte para maka pagpulong kami, hindi na kami pwede bumalik sa hide out dahil delikado, maaari kaming matunton.

“I concealed my data base, wala pang nakakapasok sa teritoryo ko. We should be safe for now,” paninigurado ni Hacker.

“Well we have to, we still have a goal to accomplish.” Sabat ni Biker.

“Si Silencer at Swordsman na muna ang kukuha ng pagkain para satin,” utos ni Boss, sumunod naman ang dalawa.

Naiwan kaming lima sa medyo may kadilimang factory na'to. Lumapit samin si Hacker at may pinakitang hologram.

“May mga natatanggap pa akong request, we'll grant them all, so you need to split up by pair. Bullet and Boss, Biker and Hunter, Silencer and Swordsman. I'll be the eyes and ears as always,” pagbibigay alam n'ya samin.

“Boss will give the assigned targets after the two comes back,” dagdag n'ya.

Ganon nga ang ginawa at hinintay namin sila, habang nag hihintay ay nag muni-muni muna ako sa loob. Nakaabot ako sa pangalawang palapag ng factory, mukang isa itong pagawaan ng mga manika, may nakita kasi akong mga katawan at ulo ng mga manika na dipa na lalagyan ng disenyo. Muntik na ako atakihin sa puso kanina nang makita ko yon. Para silang nakatingin sakin, kung sino man ang nag disenyo ng mga manika, masasabi kong napaka galing n'ya. Umalis na ako at bumaba, buti sa taas lang naka pwesto ang mga manika na yon at hindi kona kailangan alalahanin sa pagtulog ko.

Dumating na sina Silencer at Swordsman. Kita kong madami silang dalang pagkain, natuwa naman ako at tumakbo palapit. Kumukulo na ang tyan ko, gutom na gutom na ako kanina pa. Kumuha ako ng lata ng sardinas at kanin na luto na. Dahil siguro sa gutom hindi na namin agad napagusapan ang plano. Madami din silang nakuhang mineral water, naka plastic pa ang mga ito. Mga tatlong malalaking balot ang dala nila, ang bigat non panigurado.

Pagtapos kumain ay inutusan kami ni Boss na mag tipon-tipon, natayo na s'ya ngayon sa harapan namin, kasama n'ya si Hacker sa tabi nya. Lumulutang ang drone ni Hacker na may lumalabas na mga hologram, kita ang mga imahe ng mga taong target namin.

“Mamayang gabi sisimulan natin ang pag salakay. Bibigay kona sainyo ang target n'yo,” sabi ni Boss at lumingon kay Hacker.

Nag tipa si Hacker sa hologram keyboard at lumabas ang detalye ng mga naka assign samin.

“The targets are Heather, Michaela, Angelica, Cynthia and Dr. Gil Santos. Hindi pa patay si Nacario kaya isasama natin s'ya sa target natin ngayon.” Basa si Hacker sa mga pangalan nila sabay banggit kay Nacario, sa totoo lang ayoko na kaharap ang lalaking yon.

Ibat-ibang tao pero parehas may matataas na status sa lipunan. Napa tiim bagang ako sa taong nangangalang Dr. Gil Santos, binasa ko mabuti ang inpormasyon tungkol sakanya at hindi nga ako nagkamali. Napayuko ako, medyo nanginginig na ang mga kamao ko. Pinapatay n'ya ang mga pasyente n'ya sa pamamagitan nang pag tanggal ng makina na nagsasalba sa buhay nila, kahit na alam n'yang may pag-asa pa itong mabuhay.

Bumilis ang paghinga ko.

Ang mas nakakapag pakulo ng dugo ko ay…

S'ya ang doctor na umasikaso kay mama!

May isang patak ng luha na tumulo sa kanang mata ko, agad kong pinunasan.

Alam kong may mali pero… binaliwala ko ang kutob ko nung araw na yon, akala ko talaga…

“Bullet and Boss, their target is Michaela Go and the snake lady Cynthia. Biker and Hunter, you will go after Dr. Gil Santos and Nacario Aragao. Silencer and Swordsman, deal with Angelica Scarlet and Heather Flington.” Hindi ko masyadong narinig ang ilan pang sinabi ni Hacker.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon