Chapter 30

264 29 0
                                    

Hunter's POV

“You're a fool for leaving them behind.” Naka ngising sabi ni Ophelia sakin habang naka-hakbay kela Yin.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. Para akong nanghina nang makita sila, nawala ang kanina kong pinaghandaang atake para sakanya. Wala namang nangyareng masama sakanila. Sinuri ko sila at laking pasasalamat ko na wala silang kahit anong pinsala sa katawan.

“Pakawalan mo sila!” galit kong sigaw.

Umiling-iling s'ya na may ngiting nangaasar.

“No can do,” sabi n'ya.

Nagulat nalang ako nang may mga humawak sa magkabilang braso ko. Nilagay nila sa likod ang mga kamay ko at saka pinosasan. Tinabi nila ako kela Yin, muntik pa ako masubsob dahil basta nalang nila ako hinagis sa tabi nila.

Hindi ko na pinansin ang pagtrato nila sakin at nilingon nalang ang tatlong bata.

“Wala bang nangyareng masama sainyo?” tanong ko nang makatabi sila. Umiling sila.

“Hindi nila kami sinaktan,” sagot ni Morgi.

“Mabuti naman,” sabi ko. Nakahinga ako ng maluwag.

“Ikaw, mukang hindi ka maayos.” Maliit akong ngumiti sakanila.

Hindi talaga ako maayos, pero mas lalo akong hindi naging maayos nang makita sila. Ayoko silang makita sa gantong lugar, na hawak sila ng mga Executioners.

“Ano ka ngayon?” Napadaing ako nang tinapakan ni Ophelia ang ulo ko at paulit-ulit na dinidiin.

“I'll take this.” Biglang n'yang hinablot ang pana ko mula sa tabi ko.

“Ibalik mo yan sakin!” sigaw ko sakanya.

“Don't be so much about yourself, remember you are no match for me.” Pinanlakihan n'ya ako ng mga mata habang dinidiin ang bawat salita sakin.

Biglang tumunog ang sirena at doon nag si-bukasan ang mga monitor sa underground jail.

HACKER'S PUBLIC EXECUTION, TONIGHT.

Pulit-ulit na lumalabas sa screen.

“They're now at the PHP!” masayang sabi n'ya.

HACKER'S PUBLIC EXECUTION, TONIGHT.

Napanganga ako nang makitang nakaupo na si Hacker sa electric chair. Naka piring pa din s'ya, pero wala na s'yang busal sa bibig, kahit ganon kita pa din na hirap s'ya dahil sa mabibigat na kadena. Mahigpit din ata ang mga tali sakanya mula sa upuan.

Madami ang mga tao sa lugar at hindi na sila makapaghintay na i-execute si Hacker. Napatiim bagang ako, hindi ko man lang sila napigilan. Napayuko ako, nakuyom ko ang kamao ko. Marahas na'kong napahinga ng malalim.

Lumakas ang kaba ko.

“Ayan na! Ayan na!” Masama kong tinignan si Ophelia.

Nakasabit na sa likod n'ya ang pana ko habang nakatutok s'ya sa monitor sa itaas, parang silang nanonood ng pelikula. Nakakapit lang sina Morgi mula sa likodan ko. Kami lang ang mga hindi natutuwa sa nangyare.

“Pasensya na talaga kung iniwan ko kayo.” Naluluha kong sabi.

Hindi ako ngayon makatingin sa kanila, nanatili akong nakayuko. Pinangako ko pa naman na ilalabas ko sila sa impyernong ito, pero hanggang ngayon nandito pa din sila.

“We didn't try to escape, we decided to go with the Executioner. Because we know she can lead us to you.” Mahinang sabi ni Yin.

Nanlaki ang mga mata ko.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz