Chapter 2

720 59 1
                                    

***

"Kumain kana." Binigyan nila ako ng pagkain. Nahihiya ako sakanila pero ramdam ko na talaga ang gutom na hindi na kayang tiisin.

Dahan-dahan ko kinuha ang pagkain na nasa lamesa at kumain na. Iniwasan ko nalang ang mga tingin nila sakin.

"Maligo kana rin pagtapos at magpalit ng damit." Sabi ng tinatawag nilang Boss. Tumango ako. Nakapag-tataka, bakit ang bait ata nila? Ine-expect ko kasi na mamamatay ako ngayong araw.

"Mukang nagtataka s'ya kung bakit buhay pa s'ya ngayon," sabi ng lalaki na may nakasabit na headset sa leeg. "Ano pang inaasahan mo Hacker, ganon naman tingin sa'tin ng karamihan. We are a bunch of criminals," natatawang sabi ng babae. Yung may motorbike.

Hay, hindi ko pa sila kilala.

Apat na lalaki at dalawang babae ang nandito sa lugar na'to. Yung babae na tinatawag nilang Boss, yung babaeng may motorbike, yung lalaking may dalawang baril na hawak, isa pang lalaking may headset sa leeg, lalaking may katana na nakasabit sa likod at ang huli ay yung lalaking may hawak na dagger.

Bale anim silang lahat na naka paligid sa'kin.

"Ah, pwede ko ba malaman ang mga pangalan n'yo?" nag-aalangan kong tanong matapos kumain. Ngumiti sakin yung babaeng nakasama ko. "Kahit kami hindi namin alam ang totoong pangalan ng isat-isa, pero may mga alyas kami," sabi nito sakin.

Naisip ko, mga kriminal nga pala sila, malamang hindi talaga nila sasabihin ang tunay nilang pangalan.

"Ako si Biker," pagpapakilala n'ya sa sarili n'ya. Halata nga dahil lagi ata n'yang dala dala ang motorbike n'ya kahit saan. "Etong lalaking 'to si Bullet." Turo n'ya sa lalaking naka sabay namin, yung nakikipag-sabayan bumaril sa mga pulis kanina.

"Si Hacker naman 'yon." Turo n'ya naman sa lalaking may headset sa leeg. Malalim ang mga mata n'ya at sa paraan ng pananamit, muka nga naman talaga s'yang adik sa computer. Black pants at grey na hoodie, may pagka misteryoso rin s'ya.

"Si Swordsman yang katabi n'ya." Tumango sakin yung lalaki. Muka s'yang normal na mamamayan pero ang pinag-kaiba ay may katana s'ya na naka sabit sa likod n'ya.

Nakakatakot siguro pagnilabas n'ya yan. "At si Silencer," turo n'ya sa lalaking naglalaro ng dagger. Napa titig ako sa dagger n'ya, alam ko na agad kung bakit silencer ang naisip n'yang alyas.

Mukang tao ang kaya n'yang patahimikin.

"Lastly this is Boss, she's literally our boss" pinatong n'ya ang siko n'ya sa balikat ng babae. Maraming tattoo ang babaeng may alyas na Boss, maikli din ang buhok nito na hanggang balikat. Tingin ko ay mahilig s'yang makipag basag ulo?

Hinuhulaan ko lang ang kaya nilang gawin base sa itsura nila.

"Siraulo, ikaw 'tong dapat boss eh," siniko ni Boss si Biker. "Boss?" wala sa sariling sabi ko.

"Si Biker ang nagtayo ng grupong 'to, kung tutuusin s'ya dapat ang boss namin, pero ayaw n'ya," sabat ni Bullet. "Biker became a criminal because of helping, then she thought of creating Midnight Hunters, a group for helping powerless citizens," sabi ni Hacker. Tumayo s'ya at pumunta sa mga monitor at doon umupo.

May mga tinipa s'ya sa keyboard, mukang may dapat s'yang asikasuhin don.

"Tumutulong? Pinatay n'ya yung babae kanina," napatayo ako at tinuro si Biker. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Anong klaseng pagtutulong ang ginagawa nila?

"Chill," sabat ni Swordsman.

"Question is, do you even know that girl?" tanong ni Silencer. Dahan dahan akong napaupo, hindi ko nga kilala yung babaeng 'yon, ngayon ko nga lang s'ya nakita. Muli akong tumingin sakanila. "Oo hindi ko kilala, pero mali na pinatay n'ya yung babaeng 'yon, mali kayo sa ginagawa n'yo," halos sigawan ko silang lahat.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now