Chapter 34

247 26 0
                                    

Hunter's POV

Agad akong napalingon sa gawi nila Yin. Nakita ko na gising na silang lahat, kaya agad ko silang pinuntahan.

“Kamusta ang pakiramdam n'yo?” Bungad ko sa pagdilat palang ng mga mga mata nila.

“Maayos lang kami,” sagot ni Morgi.

Tumayo na sila agad, hindi na nila hinayaan na alalayan ko sila. Ginala nila ang tingin nila sa kinaroroonan namin ngayon.

“We don't feel anything strange so we're fine.” Sabi ni Yin nang idako n'ya ang tingin sakin.

Napayakap ako sakanila. Mabuti naman.

“Si Hacker yan diba ate Hunter?” tanong ni Willy.

Lumingon ako kay Willy at napatango sakanya bilang sagot.

“The last time we saw you, you were in an electric chair.” Sabi ni Yin at lumapit kay Hacker.

“That's not the end of me.” Tugon ni Hacker habang bahagyang ngumisi.

“Hmm! I already figured out you trick.” Sabi ni Yin nang sinuri n'ya ang kabuohan ni Hacker. Napatitig din s'ya sa drone nito.

“He's very smart to create a living hologram of his own. Ang galing!” Manghang sabi ni Morgi sa tabi ko.

“Bihira lang ang nakakagawa n'yan. Teka! Parang s'ya palang ata. Matagal din ang proseso n'yan. Kailangan ng napakadaming data informations, para ma-perfect ang pagsalin ng pagkatao sa isang hologram.” Komento naman ni Willy.

“Bakit parang mas lalo kayong tumalino?” Takang tanong ko pero natatawa din ako sa sunod-sunod nilang komento.

“They will eventually gain their full power little by little. They can even know something with just a gaze, that's not something to be surprise about,” sabi ni Hacker. Ngumuso ako.

“Eh sa hindi ako sanay makakita ng batang napaka talino, lumaki ako sa North Town ng malimit ang kaalaman sa mga bagay-bagay,” pagdahilan ko.

“Point taken,” pag-sangayon n'ya.

“Where are the other two criminals tho?” banggit ni Yin.

“Out to buy foods, you feeling hungry?” tanong ni Hacker.

“We're good even without eating anything.” Agad akong promotesta.

“Ah hindi! Masasanay kayo n'yan, kumain din kayo pagbalik ni Biker,” sabi ko. Tinaas ko pa ang hintuturo ko.

“Ang mga tao kumakain ng pagkain.” dagdag ko.

Nagkatinginan sila tapos agad ding napangiti.

“Okay. Ikaw ang masusunod.” Sabi ni Yin at maliit na ngumiti.

Ngumiti ako. Lumipas ang ilang oras ay nakabalik na sila Biker, para silang nag-grocery nang makita ko ang mga hawak nilang supot.

“I'll go inside now, let's continue the plan later.” Biglang sabi ni Hacker at pumasok na nga s'ya sa loob ng drone. Nawala ulit ang lipad ng drone kaya sinalo ko ito gamit ang dalawang kamay ko.

Nakakalungkot dahil hindi s'ya makakasama samin mananghalian.

“Don't be so down. What the Hacker wants, the Hacker gets.” Biglang sabat ni Yin sa tabi ko.

“Anong ibig mong sabihin?” sabi ko.

“All that Hacker wants is revenge. I can feel the heavy grudge that he's carrying. Wag mo na s'yang alalahanin kung hindi s'ya makakasalo satin. Ang gawin mo tulungan mo s'yang makapag-higanti. Well hindi lang s'ya, kundi ang buong grupo n'yo.” Napanganga ako at medyo natahimik.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now