Chapter 31

273 31 6
                                    

Hunter's POV

Nagkagulo ang paligid nang bigla silang dumating.

“They're trying to save the Hacker, don't let them come near the stage!” Sigaw ng Executioner na si Kipton.

Lahat tuloy ng bantay ay sinugod sina Biker.

“Begin the execution!” Agad na utos ni Nolan sakanila. Hindi ko alam kung sino ang inutusan kasi nagkakagulo na talaga sa paligid.

Dahil nakatingin ako sakanila ay nawala bigla ang atensyon ko sa lalaking dapat pinipigilan ko. Nakawala s'ya sa mga kamay ko at tumakbo papunta sa control panel.

Patalon na bumaba si Silencer sa motorbike ni Biker at pinagsasaksak ang mga bantay sa paligid. Humarurot naman si Biker na nakita kong papunta sa direksyon ko.

Muntik na'ko mapa-ilag dahil akala ko mababangga ako. Sakto kasing tumigil s'ya sa harapan ko.

“The Mayor is also around this place, I'll go after him while Silencer will help you here,” sabi ni Biker. Napatingin din s'ya sa mga batang nasa likod ko.

“I thought there already out of the city?” takang tanong n'ya.

“Nahuli sila ng Executioner!” Mabilis kong sabi at tinira ang pana ko sa lalaking papalapit sa control panel.

Agad s'yang bumulagta sa sahig. Sandali kong tinignan yon bago bumalik kay Biker.

“Isasakay ko sila, go save Hacker.” Sinakay n'ya nga sila sa likod n'ya.

Hinayaan ko nalang at tumakbo na'ko agad sa stage. Pero biglang may humarang sa harap ko.

“Filthy little scumbag!” Patalon akong umilag sa balak n'yang pag-karate chop sa batok ko.

Dahil sa pag-ilag ko ay natamaan n'ya ang upuan na malapit sakin, nasira n'ya ang kahoy na upuan at hindi man lang s'ya nasaktan. Napangiwi ako, makapal at matibay ang upuan na yon pero nagawa n'yang sirain ng isang kamay lang. Agad akong lumayo sakanya.

Hindi na'ko nagulat na malakas s'ya. S'ya ba naman ang head ng Executioners.

“Arg!” daing ko. Sinubukan ko lang naman makalayo, pero ang bilis n'ya kumilos kaya naabutan n'ya ako.

Hinablot n'ya ang kamay ko, marahas n'ya akong pinaikot at napunta sa likod ko ang mga kamay ko. Tinulak n'ya ako dahilan para mapaluhod ako, halos isubsob n'ya na din ako sa sahig.

“See how helpless you all are?” sabi n'ya.

Napatingin ako sa tinutukoy n'ya. Nanlaki ang mga mata ko, hawak ni Kipton ang  tatlong bata, lahat sila walang malay. Nakita ko ding nasa gilid si Biker, may tama s'ya sa binti n'ya at nawasak pa ang likuran ng motorbike n'ya.

Si Silencer ay kinakalaban si Bullet na hindi naman dapat. Kung hindi lang sana hawak ni Kipton si Bullet nasa panig sana namin s'ya ngayon.

“Start the execution!” sigaw ni Nolan.

Umakyat ang Emcee, ang lalaking kaninang nagsasalita.

“We are so sorry for that inconvenient Folks, now let us start again the countdown!” sabi ng Emcee. Napalunok ako.

Lahat ng mga tao ay nag sisi-datingan na ulit at nakapaligid na sila sa stage. Lahat ay may pandidiring tingin samin at panghuhusga, sinubukan ko na ulit makawala pero masyadong malakas si Nolan.

“10!” Nagsimula na sila ulit.

Napatingin ako sa puwesto ni Hacker.

“9!”

“Lumaban ka!” sigaw ko.

Nanatili s'yang nakayuko at wala man lang imik.

“8!”

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now