SPECIAL CHAPTER: Gift Giving (Christmas)

204 17 2
                                    

Hunter's POV

"'Tis the season to be jolly
Fa la la la la, la la la la~"

"Don we now our gay apparel
Fa la la la la, la la la la~"

"What is all the commotion about?" Napatalon ako nang sabay sabay na naglabasan ang mga kasama ko sa kanilang kwarto.

Naingayan ata sila.

"Hello, tulog mantika kayong lahat ah?" bungad ko sabay tawa.

Lumapit ako at pinakita sakanila ang mga hawak kong dekorasyon.

"Malapit na ang pasko, ayaw n'yo bang magdiwang?" tanong ko.

Ang tagal kong inobserbahan sila kanina. Mukang wala silang balak i-celebrate ang pasko. Bukas na kasi ito at talagang wala silang ginawa. Walang request samin ngayon dahil mukang busy ang mga tao. Masaya pa naman ako kasi balak ko silang yayain lumabas, pero nang makita ko ang reaksyon nila ay parang wala naman silang inaasahan na mangyayare.

"I never celebrated Christmas before," sabat ni Silencer.

"There's nothing special about it anyway," sabi naman ni Hacker.

"Saan galing ang mga dekorasyon na ito? I don't remember having those here," tanong ni Biker sa hawak ko.

Agad ko itong tinago sa likod ko kasi baka kunin n'ya.

"Are you planning to decorate the place? It's okay tho, but just turn down the music a little," banggit ni Boss sa pinapatugtog kong christmas song.

"I'll go out for now, I don't like celebrating," paalam ni Swordsman at lumabas.

"Sorry Hunter, but I don't feel the Christmas vibes," paumanhin ni Bullet.

Bubuka ko na sana ng bibig ko para magsalita pero hinayaan ko nalang silang umalis sa harapan ko. Nanlumo ako, tinignan ko ang puno na dapat sanang ide-design ko gamit ang mga palamuti.

Napabuntong hininga ako. Gusto ko magdiwang kasama nila, wala naman akong ibang pwedeng kasama.

Bakit naman ganon ang reaksyon nila? Pag kriminal ba hindi na nagpapasko?

Kahit nanlulumo ay nilagyan ko pa rin ng palamuti ang hideout. Tanghali na nang matapos ako, at wala pa rin silang ginagawa.

"Ano ba ang dapat kong gawin para pumayag silang magdiwang ng pasko kasama ko?" kunot noo kong tanong sa sarili ko.

Pinatay ko ang music kanina pa, kaya ang tahimik ngayon sa hideout. Tinitigan ko ang Christmas tree. Padabog akong tumayo at lumabas sa hideout, syempre nagsuot muna ako ng cap at salamin para matago ang mukha ko. Suot ko rin ang hoodie na binigay ni Hacker, ang lamig na ngayon, mukang sisiponin din ako dahil ramdam kong may tumutulo sa ilong ko.

"Sana hindi tuluyang maging malamig ang pasko ko," sabi sa sarili at napa singhot.

Iniisip ko ang pwede iregalo sa kanila, baka magbago ang isip nila. Hindi ako pwedeng sumuko nalang, tama tama. May pera naman ako sa bulsa dahil kay Biker, wala namang masama kung bilhan ko sila ng regalo.

Pumunta ako sa pinaka malapit na mall at dito namili ng ire-regalo. Napaisip naman ako kung ano ang gusto nila, mukang mahirap mag-regalo sa mga katulad nila ah.

"Excuse me, Ma'am."

Napapitlag ako nang may kumausap sakin. Napahawak ako sa dibdib ko. Isang sales lady lang pala. Mukang pati s'ya nagulat dahil sa reaksyon ko.

"Ano po 'yon?" nakayuko kong tanong.

"Uhm, ano po ang hinahanap n'yo? Pwede ko kayong i-assist," sabi n'ya.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Where stories live. Discover now