Epilogue

7.8K 321 129
                                    



Hiraya's POV

Lumabas ako ng sasakyan at tumingin sa paligid. Tahimik at walang katao-tao sa paligid. Naglakad ako at tumungo sa libingan ni Warren. May bulaklak na nakaligay pero palanta na. Inilapag ko ang bulaklak na dala ko at sinindihan ng kandila. Pagkatapos ay tumayo ako ng maayos at tinignan ang lapida nya.

Warren..

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang sisihin kung bakit maaga kaming nawala ni Kill pero hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ko sya niloko. Ako at ako pa rin ang puno't dulo ng lahat ng nangyayari samin. Kahit pang sabihin nila na naunang nalulong sa droga si Warren, sinaktan ko pa rin sya.

I'm sorry, Warren.

Bumuga ako ng hangin at nagpaalam na kay Warren. Bumalik ako sa sasakyan kung saan naghihintay si Ame.

"May oras pa ba tayo?" tanong ko nung makapasok ako.

"Yeah, let's go?" tumango ako sa kanya.

Muli akong tumingin sa puntod ni Warren at nagulat ako na makita syang nakatayo roon. Nakangiti sya sakin kaya naman ay napangiti ako. Pumikit lang ako saglit ay bigla na lang sya nawala. Mukhang nasa mabuting lagay naman sya ngayon.

Nakarating kami ng airport na ilang oras na lang ay lilipad na papuntang ibang bansa si Raquel kaya naman nagmadali kami ni Ame na puntahan sya. Hindi namin aakalain na matra-traffic kami kung gayong marami pang oras kanina.

Pagkatapos mahuli sila Ingrid ay nagsalita na si Raquel sa media tungkol sa ginawa nya kay Ame. Na nakipagtulungan sya kay Ingrid at kung bakit nya iyon ginawa kay Ame. Pinakita rin nila ang mga convo nila ni Ingrid kaya mas lalo lang nagalit ang mga tao kay Ingrid. Hindi na nga nila masyadong napagtuunan ng pansin si Raquel dahil ang tanging ginawa nya lang ay i-provide kay Ingrid ang drugs at sabihan ako na puntahan si Ame sa bar kaya mas tinuon ang hate ng mga tao kay Ingrid. Pero may ilan pa rin na hindi kinalimutan ang ginawa ni Raquel at binabash sya.

Nakita namin ang kaanak ni Raquel na kumakaway na kay Raquel na paalis. Tinawag namin sya para hintayin kami kaya naman tumigil sya saglit.

"Bakit pa kayo pumunta?" malumanay na tanong nya.

"Wag mong isipin na pinatawad na kita kaya ako nandito." malamig na sabi ni Ame. Siniko ko naman sya.

"Alam kong hindi mo ako mapapatawad kaya dapat ay hindi ka na pumunta." inirapan lang sya ni Ame.

"Hindi ka pa namin napapatawad ni Ame pero balang araw ay mapapatawad ka rin namin." nakangiting sabi ko. Umiwas sya ng tingin.

"I'm sorry..." nag-uunawang nginitian ko pa rin sya.

"Hindi ko alam kung kailan ulit tayo magkikita pero sa oras na bumalik ka ay maglaro ulit tayo." hindi sya sumagot at tanging tango lang ang ginawa nya.

Tinawag ang flight nya kaya naman tumalikod na ito.

"Raquel." pagpipigil ko sa kanya. Hindi sya humarap sakin. "Mag-iingat ka." muli ay tango lang ang ginawa nya at naglakad na paalis. Tinanaw lang namin sya ni Ame hanggang sa hindi na namin sya makita.

Narinig kong bumuntong hininga si Ame kaya napatingin ako sa kanya. Nagtatanong na tinignan ko sya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na trinaydor nya ako. Siguro ay mas matimbang ang pagmamahal kaysa sa pamilya." malungkot na sabi nya.

Hinawakan ko ang kamay nya. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pinipili ang pagmamahal kaysa sa pamilya. Marami pa rin diyan na nagpaparaya para sa pamilya. Kaya sana ay hindi mawala ang tiwala mo sa pamilya mo." sabi ko sa kanya.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now