Chapter 5

9.9K 721 594
                                    



Karen's POV

"Kamusta sila?" tanong ni Keira mula sa kabilang linya ng telepono.

"As expected, magagaling nga ang batch na 'to." sabi ko habang nakatingin sa loob ng court habang naglalaro ang mga bata. "Mabilis silang lahat natututo lalo na si Ember. Naiintindihan nya agad ang mga strategy na sinasabi namin at nagagawa nya pang iexplain ng maayos sa iba kapag hindi naintindihan. Tama ngang sya ang piniling captain."

"Alam mo kung ano ang katangian na meron dapat ang isang captain at lahat iyon ay nasa kanya." sabi ni Keira. "Pero meron din sa rookies na kayang gampanan ang pagiging captain."

"Sino? Si Siera o si Zed?" tanong ko.

"Hindi, si Hiraya." napataas ang kilay ko tapos nilingon si Hiraya na nakangiting kaharap si Ember na hawak ang bola.

"Paano mo naman nasabi? hindi ba sinabi mo rin sakin na baguhan lang si Hiraya sa basketball pero parang hindi naman sya baguhan sa pinapakita nyang laro."

"May potential ang batang yan. Mabilis syang maka-pick up kaya kahit bago lang ay para na syang professional player. Pero ang nakikita natin ay hindi pa iyon ang totoong nyang galing. Hindi nya pa alam sa sarili nya kung ano ang kakayahan na meron sya. Kung baga, natutulog pa ang galing nya."

"Really?" tinignan ko si Hiraya na nagawang kunin ang bola mula kay Ember. Mabilis syang tumakbo sa kabilang court na mabilis naharangan ni Zed. Nakasunod din si Siera na kakampi nila Zed at sinubukan kunin ang bola kay Hiraya pero nagawa nya itong iiwas kahit na nakatalikod sya kay Siera. Nakasunod din si Ember at sinubukan din kunin ang bola pero naiwasan nya rin ito. Dahil tatlo ang nakabantay sa kanya at hindi sya makawala ay naubos ang oras sa kanya.

"Kahit si Mommy ay may tiwala sa batang yan."

"Si Mommy Kriza?" nakakunot ang noo ko.

"Yes, hon. Hinihintay nyang mag-debut si Hiraya sa Dragon Empire."

"Akala ko si Kristoff lang may gusto sa kanya, si Mommy rin pala." sabi ko.

"I like her too." napataas ang kilay ko.

"Anong meron kay Hiraya at nagustuhan ng buong Walker?" tanong ko.

"Dahil nakikitaan namin sya ng potential." nakitbitbalikat na lang ako. "Pero iba ang nakikita ni Mommy sa kanya."

"At ano naman 'yon?"

"Nakikita nya si Lala Avey sa kanya."

"Si Lala Avey? magaling nga si Hiraya pero ang ikumpara kay Lala Avey?"

"Ayun ang tinutukoy ko sayo na hindi pa alam ni Hiraya sa sarili nya ang kakayahan nya kaya hindi pa natin nakikita ang totoong galing nito na nakita ni Mommy sa kanya."

"Interesting."

"I know kaya gusto ko natutukan mo sya habang nandyan ka. Ikaw lang makakakita kung paano pa natin sya pagagalingin."

"Parang tayong naghahanap ng paraan kung paano gising ang dragon."

"Exactly."

Bahagya akong natawa. "So sya na ang bagong dragon simula nung mawala si Lala Avey?"

"Alam mo naman na simula nung nawala si Lala Avey ay hindi na nanalo ang Dragon Empire." sabi nya. Napatango naman ako. "Kung totoo nga ang sinasabi ni Mommy, gagawin natin ang lahat para ilabas ang dragon."

"Okay, I will help you pero magiging unfair sa ibang bata kung magfo-focus tayo sa kanya. Mabuti pang samahan kitang mag-training sa kanila."

"Namimiss mo lang ako kaya sinuggest mo yan." bahagya akong natawa.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now