Chapter 39

8.2K 583 180
                                    



Hiraya's POV

Pagkarating namin sa gym namin ay agad kong nilapitan si Dulce. Kinausap ko sya at tinanong kung bakit hindi namin nakakalaro ang Miracle.

"Kinausap ko na si Oakleigh, sabi nya sa huling araw ng training ninyo kayo magkakaharap. Gusto nyang makita kung gaano kalaki ang na-improve ng Miracle at magandang makita iyon sa laban ninyo." sagot nya.

"Akala ko dahil ni-reject ko sya kaya ayaw nyang ipagharap kami." nakangiting sabi ko.

"Wala syang dapat planong ipagharap kayo pero dahil nandoon si coach ay napa-oo na lang sya."

Natawa naman ako. "Masyado nyang dinamdam ang pag-reject ko sa kanya."

"Ma-pride ang taong 'yon. Anyway, ang Shakers ang inaya kong makipaglaro sa inyo ngayong araw."

"Mabuti naman. Malalaman na natin kung gaano nag-improve ang dalawang team."

"Maglalaro ka ba?"

"Oo, gusto kong malaman kung gaano ako nag-improve sa pagbasa ng presensya." ilang araw ako nagtraining na naka-blindfold habang kung sino-sino ang kumakalbit sakin.

"Sa laban ninyo sa Shakers, si Venus ang pagbabantayan ko kay Morris." nagtatanong na tinignan ko sya. "Mukhang hindi mo mapapalabas ang creator skill mo kung hindi mo alam kung paano mo mapapalabas ang dragon ng mga kateam mo."

"Alam ko kung paano mapapalabas ang dragon ni Venus pero bakit si Morris?"

"Pinag-aralan mo ba talaga ang mga kalaban mo?" napakunot ang noo ko. "Bago maging basketball player si Morris, dati syang volleyball player. Isa syang setter pero paminsan-minsan nagmi-middle blocker sya."

"Eh?" gulat kong sabi.

Napabugha ng hangin si Dulce. "Try mong tignan ang mga dating laro nya. Hindi lang ganong kahalata dahil hindi sya ganong nagseseryoso sa mga laro pero kung gugustuhin nya ay masasabayan nya sila Katsumi. Wala lang syang ganong ka-inspiration para mag-champion kaya nag-eenjoy lang sya sa mga laro nila."

"Sabi ko na nga ba may kakaiba talaga kay Morris." impossibleng walang pinagmanahan si Morris kanila Marceline at Blythe. "Tignan natin kung mapipigilan lahat ni Morris ang mga tira ni Venus. Malalaman natin kung mapapalabas nya ba ang dragon nya."

"Pero depende pa 'yon kung pipigilan nga ni Morris si Venus. Katulad ng sinabi ko, naglalaro lang si Morris para mag-enjoy at hindi manalo."

"Hihingi na lang siguro ako ng pabor sa kanya."

"Ikaw na bahala." tumango ako.

Mga ilang oras lang ay dumating na ang Shakers. Nilapitan ko ang captain nilang si Grace at nakipagkwentuhan saglit tsaka ko nilapitan si Morris.

"Himalang ikaw ang lumapit sakin." nakangiting sabi nya.

"Napaghahalataan bang may kailangan ako sayo?" nakangiting tanong ko rin sa kanya. "Lalo kang gumaganda ah."

She chuckled. "Binobola mo pa ako, alam mong tatalab 'yan sakin." kinindatan nya ako na may ngiti sa labi. Ngumiti naman ako. "So? anong kailangan mo sakin?"

"Hihingi lang ako ng pabor na palagi mo sanang iblock si Venus sa mga tira nya." sabi ko. Bahagyang tumaas ang kilay nya. "Nalaman ko kay Dulce na dati kang volleyball player at magaling mag-block. Kailangan ko na may pumipigil sa tira ni Venus."

"Mas nagulat pa ako na si Dulce ay alam na dati akong volleyball player kaysa sayo na mismong kalaban namin." nakangiting sabi nya. Napakamot naman ako ng pisngi at nakangiwi. "Ano ang kapalit? Tandaan mo, kalaban ka namin pero tutulungan kita sa training ninyo."

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now