Chapter 51

9.6K 434 134
                                    



Hiraya's POV

"Kahit na nagsalita na kayo, ang dami pa rin basher." tumigil ako sa pagpapahangin ng lobo at tumingin kay Katsumi.

"Expected na 'yon sa dami ng makikitid na utak kapag may shini-ship sila." sabi ko at tinali ang lobo. Naghahanda kami ngayon para sa pagsalubong ng bagong taon bukas. Nagde-design kami sa likod ng bahay ng Walker. "Well at least, alam na ng mga tao na kami talaga ni Ame." muli akong kumuha ng lobo na hahanginan.

"Nakakairita lang na ang daming may ayaw sayo." halata sa boses nya ang irita.

Napangiti naman ako. "Masyado kasi akong magaling at ayaw nila iyon tanggapin. Yung panahon ngayon kapag may rookie na mas magaling sa nangunguna ay imbis na hangaan ay mas lalo nila itong sinisiraan. Ayaw nilang tanggapin na may kayang tumalo sa nangunguna."

Kaya namimiss ko ang panahon dati dahil lahat ng mga rookie na nakikitaan nila ng potential ay sinusuportahan ng mga tao. Gustong gusto nila ang excitement na matalo ang nangunguna dahil alam nilang magandang laban ang kalalabasan.

"Well, medyo toxic na rin ang fans ng basketball lalo na sa girls side. Lahat na lang shini-ship nila. Ginawa na nilang palabas ang bawat laro at inaabangan ang interaction ng bawat member. Iniisip ko nga kung laro ba ang pinunta nila o gusto lang nilang makakita ng interaction ng mga shiniship nila." natawa naman ako ng mahina.

"Sa lahat naman ganon kapag nakikita mong close ang dalawang tao. Iisipin mo talagang may something sa kanila kahit naman na pure friendship lang ang nangyayari."

"Kaya minsan gusto ko na lang na hindi maging sikat." tinignan ko sya at tinaasan sya ng kilay.

"Kung ganon, wag kang mag-artista." bukod sa movie namin, may upcoming project pa sya na gagawin after ng Summer Cup. Mukhang nae-enjoy nitong umarte kaya tumatanggap sya ng mga project.

"Well baka mag-artista ako kapag nag-retire ako sa basketball."

"Hindi ka magco-coach?" tanong ko. Bawat generation ng pamilya nila ay nagiging coach after mag-retire sa paglalaro ng basketball.

"Kapag hindi ikaw ang hahawak ng Dragon Empire." nakangising sabi nya na ikatigil ko naman.

"Oh...hindi ko naisip na pwede mong hawakan ang Dragon Empire."

"Nagbibiro lang ako. Kahit hindi ikaw ang maging coach ng Dragon Empire ay hindi rin ako magco-coach. Kahit na sobrang mahal ko ang basketball ay ayokong maging coach. Gusto ko lang maglaro."

"Mukhang ayaw mong nagle-lead talaga."

"Hindi ko nga alam sayo na kabago-bago mo lang pero kaya mong mag-lead ng team."

"Natural na talent ko na kasing maging magaling." nakangising sabi ko. Napa-poker face naman sya at binato ako ng lobong walang hangin.

"By the way, narinig ko sila Dad na pinag-uusapan ang Davies. Mukhang maraming nag-pull out na investor sa kanila kaya namomoblema sila ngayon." muli syang kumuha ng lobo.

"Nasabi nga sakin ni Siera nung nakaraan."

"Mukhang lalala pa ang problema nila lalo na ngayon na hinihinala ng mga tao na si Ingrid ang nagbigay kay Ame ng inuming may drugs."

"Half-half ang naniniwala at hindi. Pero masasabi ko ngang epektado nga ang business ng Davies sa nalaman ng mga tao. Marami ng magdadalawang isip na makipag-business partner sa kanila. Idagdag mo pang pinutol na ng Walker at Levinson ang ugnayan nila sa Davies."

"Mabuti nga sa kanila. Naiinis talaga ako kapag sinasakal nila ang Walker. Walang nagagawa sila Dad sa kanila. Ilang beses na syang pinagsabihan ni Lola Kriza na wag magpapatalo sa Davies dahil walang ibang pwedeng tumalo sa Walker kundi ang Levinson lang." naiinis nyang sabi.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon