Chapter 34

8.8K 641 374
                                    




Hiraya's POV

"Baby, trending tayo." sabi ko kay Ame pagkalabas nya ng banyo. Nandito kami ngayon sa kwarto nya pagkauwi namin. Buong pamilya nila Lala ay nandito sa bahay nila ngayon kaya siguradong maingay ang bahay bukas. May celebration pa rin sila bukas na walang ibang kasama kundi ang pamilya lang nila Lala. Hindi ko nga alam kung tama bang nandito ako sa bukod nilang celebration.

"Bakit mo ba yan pinag-aaksayahan ng oras?" nakakunot ang noong tanong nya.

"Napansin ko lang nung tignan ko ang social media. Ang daming magagandan picture natin eh." nakangiting sabi ko. Marami na nga akong na-save na picture naming dalawa dahil sa ganda nilang kumuha.

"Tigilan mo na nga yan." sabi nya at tumungo sa vanity table nya.

"May picture tayong dalawa nung nasa dance floor tayo. Nakuhaan ang paghalik ko sayo kaya usap-usapan tayong dalawa." na-save ko rin ang picture naming dalawa non dahil ang ganda ng pagkakuha, blurred ang nasa paligid namin at ang ganda ng pagka-edit sa paligid. Parang magical scene ang nangyari sa picture.

"Ngayon ay alam nilang akin ka na." napangiti ako.

"Maraming nagba-bash sakin. Hindi daw tayo bagay." panunumbong ko sa nakikita kong mga comment.

"Tao tayo." natawa ako at napailing. "Wag mo na lang silang pansinin."

"Hindi naman ako nag-aalala sa kanila. Ang mahalaga lang sakin ay masaya tayo." nakangiting sabi ko. Tinignan nya ako at umiwas ng tingin pero hindi nakalagpas sakin ang pangiti nya.

Napakagat ako ng labi. Ang cute ni Ame. Nakakakilig ang pagngiti nya.

Nagulat talaga ako kanina na inaya ako ni Ame na maging girlfriend nya. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya 'yon sa oras na yon. Ganon ba talaga sya nababahala kay Raquel para ayain nya na akong maging girlfriend nya? akala ko pa naman magpapakipot pa sya ng matagal.

Nung inaya nya akong maging girlfriend ay nahalata ko ang takot sa mga mata nya. Takot na baka hindi ko tanggapin. Nung mga oras na 'yon ay naramdaman ko na mas malalim ang nararamdaman ni Ame sakin kaysa ako sa kanya. Hindi nya lang pinapakita dahil bukod sa bago lang ito sa kanya, hindi rin sya yung tipong ine-express madalas ang feelings nya. Nagugulat na nga lang ako kapag nagiging sweet sya.

Hindi na rin naman ako nagpakipot pa kay Ame at sinagot din sya. Mas natuwa pa nga ako na sya pa ang nag-aya saming dalawa na hindi ko ganong inaasahan dahil sa ugali nya. Nagiging vocal na talaga sakin si Ame. Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya eh.

"Baby, matulog na tayo." sabi ko dahil ang tagal ni Ame magpatuyo ng buhok. "Nga pala, since tayo na..." pinabitin ko talaga para tumingin sakin si Ame. Nakakunot ang noo nya na nakatingin sa salamin. "...dapat baby na rin ang tawag mo sakin."

"Wha─" nilingon nya ako at tinignan ng masama. "No way."

Napanguso ako. "Bakit naman ayaw mo? ang ganda kaya ng baby."

"Hindi mo ako mapapatawag ng kahit anong endearment. I will call you by your name."

"Kapag tayong dalawa lang naman mo ako tatawagin na baby." pagmamakaawa ko na nakanguso.

Hindi kayang tiisin ni Ame ang mga nagpapa-cute sa kanya lalo na ang mga malalapit sa kanya kaya nga hindi nya palaging matiis si Arya dahil sa kakulitan nito. Hindi ko rin ugaling magpa-cute kaya alam kong tatablan sakin si Ame. At nang makitang natigilan sya ay siguradong magwawagi akong tawagin nya akong baby.

Napangiti ako ng palihim nung bumuntong hininga sya. Panalo na naman ako.

"Fine." napangiti na ako ng malaki sa tuwa. 

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now