Chapter 40

8.2K 564 170
                                    



Hiraya's POV

Pagkagising ko ng umaga ay wala na sa tabi ko si Ame. Tinatamad kong tinignan ang oras para malaman kung umalis na ba si Ame o hindi. Pagkakita ko ay alas otso pa lang ng umaga. Kahit na ayoko pang magkikilos ay nagsimula na akong maghilamos at magmumog. Hindi ko na rin binalak pang magbihis dahil tatambay lang naman ako buong araw sa bahay.

Bumaba ako at tumungo sa kusina. Nakita ko si Ame na nagluluto ng pagkain. Lumapit agad ako sa kanya at niyakap sya.

"Hiraya?" rinig kong banggit nya. "Nagluluto ako." tinignan ko naman ang niluluto nya. Hotdogs. Napahalikgik ako.

"Good morning, baby." sabi ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi tsaka muling sumandal sa likod nya. Tinatamad talaga ako ngayon.

"Ehem. Hindi lang si Ame ang nandito." sabi ni Nyx.

"Sus, mamaya mo na ako kausapin Nyx. Hindi ka makakaligtas sakin." sabi ko sa kanya habang nakapikit ang mga mata ko.

"Jeez!" napangiti na lang ako sa turan nya.

"Ugh! pahingi ng gamot sa hangover!" dumilat ako at tumingin sa bagong dating. Si Venus habang hawak-hawak ang ulo.

"Inom pa." sabi ko at bumitaw kay Ame. Muli ko syang hinalikan bago tumungo sa medicine cabinet. Kinuha ko ang gamot sa hangover at binigay kay Venus. "Anong oras na kayo nakauwi?" tanong ko.

"Ala una." sagot nya bago nya inumin ang gamot. "Damn, ang lalakas uminom nila Katsumi."

"Oh?" medyo gulat ko naman sabi. Hindi ko pa nakakasama uminom si Katsumi kaya nagulat ako. Alam ko lang mahina sa alcohol si Iris at hindi naman panay ang inom ni Ame.

"Hiraya." tumingin ako kay Ame nung tawagin nya ako. Inaabot nya sakin ang pinggan na puro hotdogs. Kinuha ko iyon at inilapag sa lamesa.

"Nag-kape ka na, baby?" tanong ko at tumungo para kumuha ng baso.

"Kape sakin, Hiraya." imbis na si Ame ang sumagot ay si Nyx ang nagpatimpla.

"Makiki-share na lang ako sayo. Hindi ako ganong iinom ng kape ngayon." sagot ni Ame.

"Hiraya, ako rin kape." nagpapatimpla rin na sabi ni Venus.

Napailing na lang ako pero ginawa ko pa rin sila ng kape. Sabay-sabay kaming kumain na apat dahil mga tulog pa ang iba. Pagkatapos namin kumain ay pinagsabihan ko ang dalawa na ihanda ang mga kailangan ng mga may hangover tsaka ko sinamahan si Ame sa pagbalik sa kwarto namin.

"Anong oras mo ako susunduin mamaya?" tanong ko sa kanya at sumandal sa headboard ng kama.

"Six o'clock. Kailangan din natin makauwi agad para makatulog pa tayo ng maaga para sa hiking natin bukas. Maaga tayo bukas hindi ba?" sabi nya habang kumukuha ng damit ko na susuotin nya.

"Yup tapos magpi-picnic tayo hindi ba? ano kaya ang lulutuin mo?" curious na tanong ko.

"Hapon tayo aalis kaya merienda lang ang gagawin ko." sagot nya.

"Curious pa rin ako. Ikaw ang magluluto eh." napailing sya sakin at naglakad patungo sa banyo. "Oo nga pala, ano ang gagawin natin sa Wednesday?" tanong ko bago sya pumasok ng tuluyan sa banyo.

"Baby, hindi pa nag-uumpisa ang araw natin, iniisip mo na agad ang date natin sa Wednesday." hindi ko pinansin yung turan nya dahil kinilig ako sa pagtawag nya ng baby. "Pupunta tayo ng amusement park." sabi nya at sinarado ang pinto ng banyo.

"Amusement park? himala." siguro ay hindi ko pa talaga ganong kakilala si Ame para sabihin na hindi sya mahilig sa mga amusement park. Mamaya sa dinner namin ay tatanungin ko na sya sa mga hilig nya.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now