Chapter 28

8.8K 739 520
                                    




Third Person's POV

Nagsimula ang third quarter na umayon sa plano ni Hiraya. Hinabol nila ang lamang ng Miracle sa pagtre-tres nila Milli at Tiffane pero hindi rin nagtagal nung mag-tie ang score nila ay kumilos si Ame para tambakan muli ang Dragon Empire. Kahit pigilan sya ng tatlong miyembro ng Dragon Empire ay nakakaalis sya sa bantay.

Sinubukan ni Hiraya ang plano na dalawa ang magbabantay kay Katsumi at sya ang magbabantay kay Ame pero katulad ng reaction ni Zed ay hindi makakilos ng maayos sila Siera kapag kaharap si Katsumi.

Wala ng magawa si Hiraya kundi ang seryosohin na ang laro. Wala pa sana syang balak seryosohin ang laro hangga't hindi pa nagseseryoso si Ame pero kailangan nilang paliitin ang lamang ng Miracle kaya naman kinalaban nya ng mag-isa ang dalawa na si Ame at Katsumi.

Na kay Hiraya ang bola at mabilis syang tumakbo papunta sa court ng Miracle. Sumabay si Katsumi para pigilan sya pero mabilis kumilos si Hiraya para lagpasan si Katsumi. Nung makalagpas si Hiraya kay Katsumi ay binalak ni Katsumi na hawakan ang bola pero naihagis ni Hiraya pataas ang bola at tumalon sya. Nasalo nya ang bola at binalak na itira ito sa ring pero tumalon si Ame para i-block ito. Hindi nagpatinag si Hiraya at iniba ang pwesto ng kamay nya at tsaka nya ito ipinasok sa ring.

Sumugod si Katsumi nung ipasok ni Heidi ang bola at ipinasa sa kanya. Humarang si Hiraya kay Katsumi at sinubukan ni Katsumi na makalagpas sa kanya pero masyadong mahigpit ang bantay ni Hiraya kaya naman nung makita ni Katsumi na open si Ame ay ipinasa nya ang bola. Pero napigilan ni Hiraya ang bola at mabilis na kinuha ito. Tumakbo sya pabalik sa court ng Miracle. Mabilis na nakasunod sa kanya si Ame. Sinubukan ni Ame na pigilan si Hiraya pero nakakalagpas sa kanya si Hiraya.

Tumalon si Hiraya para ipasok ang bola sa ring pero nakahabol si Katsumi at tumalon silang parehas ni Ame para harangan ang bola. Iginalaw ni Hiraya ang kamay nya para i-double clutch ito papasok sa ring.

Maraming naghiyawan na naka-score si Hiraya sa kabila ng bantay ng dalawang magaling ng Miracle. Maraming napahanga sa galing nya.

Si Ame naman ngayon ang may hawak ng bola na sumugod sa court ng Dragon Empire. Hinarangan sya nila Siera pero mabilis lang syang nakalagpas. Nung makaharap si Hiraya ay napatigil ito. Kumilos si Ame pasugod at nung mapaatras nya si Hiraya ay nag-back step sya at tumalon tsaka nya itinira ang bola sa ring. Bahagya syang nagulat na nagawa pa rin maharangan ni Hiraya ang bola.

Tumalbog ang bola na nakuha ni Katsumi at pagkaharap nya ay nasa likuran nya na si Hiraya. Naihampas ni Hiraya ang bola sa kanya at mabilis na tumakbo sa kanilang court. Mabilis sumunod si Ame at Katsumi. Nakahabol din sa kanya si Raya. Nung nasa ilalim na ng ring si Hiraya ay umasta syang ipapasok ang bola sa ring na ikatalon ng tatlo. Yumuko si Hiraya dahil sa likuran nya tumalon si Ame at lumayo sya sa tatlo. Ipinasok nya sa ring ang bola na walang nakapigil sa kanya.

Lumapit si Hiraya sa mga kasamahan nya at sinabi ang sunod nilang plano. Sumunod sila sa plano ni Hiraya kahit na medyo nakakaramdam sila ng pabigat na wala silang nagawa at mag-isang lumalaban si Hiraya. Gusto nilang tumulong pero hindi nila magawa sa oras na makaharap nila si Ame at Katsumi.

Masyadong magaling si Ame para lagpasan sila kahit na tatlo na ang nagbabantay sa kanya habang hindi sila makakilos ng maayos kapag si Katsumi ang kaharap nila. Naiintindihan nila ngayon kung bakit ganon na lang hindi makakilos si Zed sa kanya. Masyadong malakas ang aura na bumabalot kay Katsumi na nagpaparamdam sa kanila na tila sila sasakmalin ng isang dragon. Matalim ang tingin ni Katsumi na seryoso ang mukha.

"Akala ko mga nasa Dragon Empire lang ang kayang maging dragon." curious na sabi ni Aria habang pinapanood si Katsumi.

"Nasa dugo na rin siguro dahil dalawang naging dragon ang dumadaloy sa dugo nya." sagot ni Karen.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now