Chapter 49

8.7K 464 199
                                    




Hiraya's POV

Tatlong linggo simula nung mag-break kami ni Ame. Dalawang linggo akong nanatili sa camp para ayusin ang sarili at isip ko. Bumalik ako ng Manila pagkatapos noon para tignan ang nararamdaman ko kung nawala na ba ang nararamdaman ko para kay Raquel. Pagkatapos ng nalaman ko ay hindi ko na nararamdaman ang pagkagusto ko kay Raquel. Siguro dahil nadala lang ako sa kanya dahil araw-araw kami magkasama kaya nagkagusto ako sa kanya.

Nainis ako sa nalaman ko pero nung kinomprenta ko sya sa ginawa nya ay nanatili akong kalmado dahil gusto kong panatiliin ang pagkakaibigan namin. Pero hindi ko rin maiwasan na mainis sa kanya nung sabihin nyang ginawa nya iyon para maghiwalay na kami ni Ame at sya na ang piliin ko. Nainis ako dahil parang hindi nya pinsan si Ame para saktan nya ito ng ganito. Alam nyang nagka-PTSD si Ame at hindi nagustuhan ni Ame ang nangyari sa kanya sa bar dahilan kaya kami nag-cool off at tinake advantage nya ang kalagayan ni Ame para lalo itong saktan.

Nakalimutan ko, hindi ito ang unang beses na siniraan ni Raquel ang relasyon ng kapamilya nya. Mahirap ng pagkatiwaan ng ganito si Raquel. Gusto kong maging magkaibigan ulit kami dahil doon kami nagsimula pero hindi muna sa ngayon. Hindi maganda ang ginawa nya. Kaya naman ay uunahin ko muna na makipag-ayos kay Ame at bumalik kami sa dati.

Pero nung pupuntahan ko na sya ay sinabi nila Katsumi na nagbakasyon si Ame sa ibang lugar. Hindi rin nila alam kung saan ito pupunta at dalawang linggo raw itong mawawala. Hindi nya ulit dala ang cellphone nya kaya hindi ko rin sya makakausap.

Bumalik na lang ako sa camp para na rin hindi makita sa ngayon si Raquel. Nangungulit sya na bigyan ko ng isa pang pagkakataon at talagang nagmamakaawa sya. Dahil naiinis ako na hindi nya naisip na kapamilya nya ang siniraan nya at naging makasarili sya ay hindi ko sya kinakausap.

Ilang araw na akong nasa camp at nag-aabang lang ng balita kay Ame. Ako lang ngayon ang nasa camp kasama ang mga staff. Dahil sa training na ginawa namin para sa Winter Cup ay pinagbakasyon ko ang lahat hanggang January. Hindi ko nga rin alam kung nagbakasyon ba sila dahil maraming project ang nag-offer sa kanila.

Ako lang yung madalas tumanggi. Kung hindi ito sport related ay tinatanggihan ko ito. Katulad na lang ng isang movie na gusto akong maging main lead. Hindi ko pa naririnig ang buong detalye ay tumanggi agad ako pagkasabi nya ng movie. Wala akong balak maging artista.

Tamad na tamad ako ngayon. Nakapag-practice na ako lahat-lahat pero maaga pa rin ngayon. Ang bagal ng oras kung kailan hinihintay ko si Ame na bumalik.

Bigla kong naisip na pumunta ng villa ni Ame para doon tumambay. Dala-dala si Smoochie na pumunta ako sa villa ni Ame. Nung una nagbabakasali akong nasa villa si Ame pero wala akong nakitang sasakyan kaya paniguradong wala sya.

Hinayaan ko na maglaro-laro si Smoochie sa buong villa at nagsimula na lang magluto ng tanghalian ko dahil alas dies na. Dahil namimiss ko si Ame ay nagluto ako ng chop suey. Habang iniisip ang itsura ni Ame habang namimili ng atay sa chop suey ay hindi ko maiwasan na matawa ng bahagya. Hindi pa rin kasi kumakain ng gulay si Ame.

Pagkatapos kong magluto ay inilapag ko sa lamesa ang ulam. Kukuha na sana ako ng kanin ko na mapansin kong may nakatayo. Kinabahan pa ako nung una dahil baka multo ang nakita ko pero bumilis din ang tibok ng puso ko na makita si Ame. Parehas kami na gulat sa isa't isa.

"Sorry." sya ang unang nakabawi sa gulat at tumalikod.

"Wait, Ame!" sigaw ko at nilapitan sya. Mabuti na lang ay hindi sya umalis at tumigil sa paglalakad pero nakatalikod pa rin sya. Hindi ko sya nilapitan ng tuluyan at binigyan sya ng space. "Pwede ba tayong mag-usap?" nagbabakasaling tanong ko.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon