Chapter 48

9.2K 480 456
                                    




Hiraya's POV

"Ang dami ninyo atang mga bulaklak dito?" tanong ni Iris na dumalaw ng bahay namin.

"Ah puro galing 'yan kay Raquel. Araw-araw syang nagpapadala ng bulaklak at mga iba pang gifts." sabi ko at inaya syang maupo.

"Wow, ginagalingan." sarkastikong sabi nya. Natawa naman ako.

"Maganda naman ah. Gustong gusto nga ni Inay ang mga bulaklak at gusto naman ng mga kapatid ko ang mga gifts."

"Ikaw ba ang nililigawan o ang pamilya mo?" nakangiting nakitbitbalikat ako. "Bakit parang kinikilig ka ata d'yan?"

"Pinagsasabi mo?" nakakunot ang noong tanong sa kanya. "Palagi akong nakangiti ah."

"Ang laki na kasi ng ngiti mo hindi katulad nung nakaraang buwan. Don't tell me nahuhulog ka na kay Raquel?"

Tinaasan ko sya ng kilay at umiling. "Hindi, okay? Oo nakakatuwa ang mga effort ni Raquel pero hindi."

"Bakit hindi mo pa rin sya pinapatigil manligaw sayo? kahit na makulit sya, dapat kinukulit mo rin sya na hindi mo sya masasagot."

"Ginawa ko na 'yan nung nakaraang buwan pero kinonsensya nya ako at nagpakaligo sa ulan hangga't hindi ko sya tinatanggap ulit manligaw. Kahit sila Itay ay naaawa sa kanya at pati sila ay kinokonsensya ako." nakabuntong hiningang sabi ko.

"Mga taktika ni Raquel ah." napangiti naman ako ng pilit.

"Nag-usap kami ng masinsinan ni Raquel after non at paulit-ulit kong sinabi sa kanya na mahal ko si Ame kaya hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman nya sakin. Handa naman daw syang maghintay at hangga't hindi kami nagkakaayos ni Ame ay hindi sya susuko."

"Ang tibay nya. Bilib ako sa kanya."

"Nakakahanga nga ang katibayan ni Raquel." nakangiting sabi ko at tinignan ang kaka-deliver lang na bulaklak ngayong araw.

"Seryoso ka bang hindi ka nahuhulog sa kanya?" ibinalik ko ang tingin kay Iris. "Lagpas isang buwan na kayong hindi nagkikita ni Ame at wala kang balita sa kanya hindi ba? sigurado ka bang hindi sya napapalitan ni Raquel sa puso mo?"

Hindi naman ako sumagot. Lagpas isang buwan na nga kaming hindi nagkikita ni Ame at wala rin akong naririnig na balita mula kanila Katsumi tungkol sa kanya. Huling balitang narinig ko sa kanya ay yung nangyari pag-uusap nila ni Ingrid sa party ng Lou at pagkatapos noon ay muling nanahimik si Ame. Hindi naman sya naggala ulit pero mukhang nakakulong lang ito palagi sa condo unit nya.

"Aaminin ko nga na hindi ko naaalala si Ame nitong nakaraang buwan dahil lagi kaming magkasama ni Raquel at talagang si Raquel lang ang naiisip ko pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ako umaabot sa puntong papalitan ko si Ame."

"Pero may nararamdaman ka na ba kahit kaonti kay Raquel?"

"Iniisip ko rin 'yan, Iris dahil nasasanay akong palaging nandiyan si Raquel kaya hindi ako sigurado kung nasasanay lang ba ako o may nararamdaman na. Gusto kong panatiliin ang pagkakaibigan namin ni Raquel pero kung magkagusto man ako sa kanya ay kailangan ko syang layuan. Ayoko syang piliin dahil pinsan sya ng taong masasaktan ko kung sakali. Ang awkward non kung pinili ko ang pinsan nya 'di ba? kaya kung ma-out of love man ako kay Ame ay hindi nya kamag-anak ang pipiliin ko."

Pinagmasdan ako ng matagal ni Iris at bumuntong hininga. "Poor Ame, wala syang kamalay-malay na nagkakagusto ka na kay Raquel."

"Hindi pa naman siguro. Ang negative mo naman."

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now