Chapter 23

9.4K 737 447
                                    



Hiraya's POV

Kasama ko ngayon si Katsumi na nagtitingin-tingin ng damit sa mga naka-stall dito sa arena. Hindi ako nakapaglibot kahapon kaya ngayon ako nagkaroon ng time dahil hindi rin ako maglalaro ngayong araw. Hindi rin daw maglalaro ngayon si Katsumi at gusto nya daw lumayo sa mga ka-team nya kaya sumama sya sakin.

Hindi nya trip ang ugali ng kalhati ng mga kateam nya dahil sa sobrang yabang. Minsan mayabang din naman si Katsumi pero nasa lugar naman. Hindi lang kalala katulad nila Heidi na kahit binara mo ay hindi titigil kaya naiintindihan ko syang mas pipiliin na lang lumayo sa mga 'yon.

At dahil magkasama kaming dalawa ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi siguro nila inaasahan na magkakilala kami ni Katsumi. Hindi naman namin nababanggit na close ako sa pamilyang Walker kaya naman pag-uusapan talaga kami.

"By the way, sa pangalawang laro ninyo ngayong araw makakalaban ninyo ang Black Panther hindi ba?" tanong nya.

"Unless manalo sila sa unang laban nila." sagot ko at sinubukan na suotin ang sumbrero na may dragon. 

Nandito kami ngayon sa isang stall na puro Dragon Empire ang merch. Sabi ng nagtitinda ay matagal na silang nagbebenta ng mga merch ng Dragon Empire. Hindi din sila tumigil nung nawala kami ng dalawang taon kahit na malugi sila. Doon nila ako napahanga sa tibay nilang paghihintay samin kahit na wala na silang maging kita pa sa pagbebenta.

"Top six na team sila sa Cup tournament, Hiraya, at ang makakalaban nila ngayon ay hindi ganon kagaling."

"Top four ang Zebra Jacks. Hindi ko alam kung bakit nabanggit mo sila." 

"Hindi mo na talaga pinapansin pa ang ibang team bukod sa tatlo huh." nilingon ko sya at nginitian.

"Bagay ba?" tanong ko sa kanya.

"Pwede na." simpleng sagot nya. Ang ganda talaga kausap nito.

Bibilin ko na sana ang sumbrero pero hindi ako hinayaan na pagbayaran ng tindera. Sabi nya ay hindi nya pinagbabayad ang mga miyembro ng team at masaya na din daw sya na bumalik kami ngayon na mas malakas na. Kaya naman para mas lumakas ang benta nila ay pinirmahan ko ang ilan nilang merch at nagtawag din ako ng customer para bumili. Sinabihan ko sila na pipirmahan ko ang mga binili nila at magpapa-picture kapag bumili sila kaya naman dinagsa kami ng mga tao.

"Sa susunod isipin mo kung may kasama ka o wala huh?" natawa ako kay Katsumi. Isang oras din kaming nakatambay sa stall at pinagbibigyan ang mga fans na magpa-picture at magpa-autograph.

"Kain tayo. May malapit na restaurant dito at may kotse ka 'di ba?" tinignan nya ako tapos napailing.

"Tatawagan ko lang si Iris kung makakasama sya satin." sabi nya at inilabas ang cellphone nya.

"Ay tama, namimiss ko na rin si Iris. Siguradong namiss din nya ako."

"Or tayong dalawa na lang." natawa ako na mabilis nyang ibinaba ang cellphone nya.

"Napakaselosa mo talaga. Kaibigan ko rin naman si Iris."

"Isa kang malanding nilalang, mahirap na." natawa ako.

"Maganda lang ako kaya maraming naakit. Ngiti ko pa lang, nakakalaglag na ng underwear."

"Eww. Ang kapal ng mukha mo."

Tumawa ako. "Tawagan mo na si Iris at ayain na kumain. Nagugutom na talaga ako." bumuntong hininga sya bago tinawagan si Iris. Masyadong nag-aalala ang isang 'to.

Hinayaan ko sya na kausapin muna si Iris at nagtingin-tingin sa paligid. Ang daming tao kahit na may on-going game na nangyayari sa court. Habang nililibot ang tingin ay nahagip ng mata ko sila Iris, Ame, Sun at Arya na naglalakad. Parang ang kawawa ni Arya tignan na puro malalamig ang kasama nya.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now