Chapter 6

9.8K 736 702
                                    



Hiraya's POV

Isang linggo na kaming nandito sa Boracay. Nakakapag-enjoy kami sa two days rest day namin na nagagawa naming lumangoy-langoy sa pool o dagat at gawin ang ibang activities pero kapagod pa rin ang mga training. Hindi na nawala ang paghabol samin ng mga aso kapag tumatakbo kami. Hindi rin ako tumigil sa pagtakbo sa umaga na sinasamahan ako ni Siera pero dahil ayoko rin magpatalo sa kanya ay pati sa gabi ay tumatakbo ako kahit na pagod sa training. Humingi pa ulit ako ng weights kay Tita Karen para sa wrist. Nagpupursige talaga ako na mas lalo pang gumaling.

Tumigil ako sa pagtakbo at uminom ng tubig. Malapit na rin sumikat ang araw. Hindi nakasama sakin ngayon si Siera dahil may hangover ito. Nag-inuman sila kahapon kahit na may training kinabukasan. Ang lakas lang ng loob nilang gawin 'yon lalo na alam nilang mapapagalitan sila ni coach kapag wala silang lakas mamaya. Ang pagkakatanda ko rin ay maglalaro ang team sa Miracle. Hindi ko pa pala nasasabihan si coach na wag akong isali.

Naramdaman ko na may taong palapit sakin kaya lumingon ako. Nagulat pa ako na makita si Ame. Nagjo-jogging din sya.

"Good morning, Ame." nakangiting bati ko lalo na tumigil sya malapit sakin. Hindi na naman nya ako pinansin. Ang cold talaga ng taong 'to. "Gusto mo bang tumandang virgin?" tanong ko at napangisi pa ako dahil nung sinabi ko 'yon ay umiinom sya ng tubig kaya nasamid sya.

Nilingon nya ako na may pagbabanta sa mata pero poker face pa rin ang mukha nya. Nakitbitbalikat ako.

"For sure na virgin ka pa kung ball is life ka at kung wala kang interest na magka-lovelife, tatanda kang virgin. Unless, nakikipag-sex ka na walang commitment."

"Mukha ba akong slut?" napa-woah ako nung marinig ko sa wakas ang boses nya. Ang lamig ng boses nya pero ang sarap pakinggan.

"Mukha kang playgirl." napakunot ang noo nya na sa unang pagkakataon ay nakita ko ang iba nyang expression. "Sa itsura mong yan? madami kang mahahatak na babae o lalaki. Ang ganda-ganda mo kaya na kulang ang salitang dyosa para ihaluntulad."

"Nasa lahi na namin 'yon." pagkasabi nyang 'yon ay natawa ako. Tinignan nya ako na nagtataka.

"Totoo naman pero sana nagpa-humble ka man lang." nakangiting sabi ko pagkatapos kong tumawa.

"Tapos ano? sasabihan mo ako na pa-humble pa." nakitbitbalikat ako. "Girls."

"Parang sya hindi babae." sabi ko. 

Hindi nya na ako pinansin at muling uminom ng tubig. Pinanood ko lang sya dahil para syang nagco-commercial habang umiinom ng tubig tapos tumatama na samin ang sikat ng araw kaya mas lalong naging dramatic ang pag-inom nya ng tubig.

"Gustong gusto talaga kita kahit itsura mo lang yung nagustuhan ko." sabi ko sa kanya. Mula sa gilid ng mata nya ay tinignan nya ako.

"Bumabase ka lang sa itsura." natutuwa ako dahil kinakausap nya ako kahit na may pagkalamig ang boses nya.

"Kaya nga gusto pa kita makilala dahil alam ko na kahit ang cold-cold mo ay may cute side ka rin." parang hindi nya nagustuhan ang sinabi kong cute side kaya natawa ako sa reaction nya. "See? ang cute mo."

"Shut the fuck up." natawa ako. Ayaw nyang tinatawag syang cute.

Natahimik kami pagkatapos non. Hindi naman agad sya umalis na nanatili lang sa kinatatayuan nya na dalawang hakbang ang layo sakin. Nakatingin lang kami sa dagat. Ilang minuto ang nagdaan at tinignan ko ang relo ko. Nakita kong alas sais y media na. Kailangan ko ng bumalik para mag-almusal at makapagpahinga saglit bago magsimula ang training ng alas otso.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now