Chapter 50

9.9K 486 185
                                    



Amethyst's POV

Nakasunod lang ako sa likuran ni Hiraya habang tahimik kaming naglalakad pauwi sa kanila. Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak nya at hindi nya na naisip na hindi pa kami ayos para akitin nya ako. Siguro ay napansin nya na rin na gusto ko na makipag-ayos sa kanya. Kahit na nasaktan ako sa ginawa nya ay hindi ko sya matiis dahil mahal ko sya.

Hinabol ko sya at sinabayan sya sa paglalakad. Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Magkakaayos na ba tayo?" tanong nya na may pag-aasam.

Huminga ako ng malalim. "Kung hindi dahil masyado akong kampante ay hindi sana tayo mauuwi sa ganito. Hindi sana natin masasaktan ang isa't isa."

"May pagkakataon talagang masasaktan at masasaktan tayo." sabi nya habang nasa harap ang tingin. "At may mga tao talagang ayaw tayong maging masaya sa isa't isa kaya gumagawa sila ng paraan para paghiwalayin tayo."

"Pero kung lumayo lang ako kay Ingrid..."

"Hindi kita masisisi dahil masyado kayong hawak ng Davies. Kung alam ko lang na ganito sila kagahaman ay matagal na sana ako kumilos." tinignan ko naman sya kung paano nya pipigilan ang Davies dahil sa boses nya ay parang kayang kaya nya.

Tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din sya at hinarap ako.

"I'm sorry sa hindi magandang nagawa ko kahit pa sabihin na wala ako sa sarili nung oras na 'yon. Nagawa ko pa rin ang hindi dapat gawin sa iba habang nasa relasyon tayo. Pinagsisisihan ko talaga ang nangyari. Sana...sana ay hindi ka nandidiri sakin." bahagya akong napayuko dahil natatakot ako na makita na nasasaktan pa rin sya dahil sa nangyari.

Napansin ko na lumapit sakin si Hiraya at hinawakan ang kaliwang pisngi ko. Tumingin ako sa kanya at nakita syang nag-uunawang nakangiti.

"Kalimutan na lang natin ang nangyari. Parehas tayong hindi lumayo sa nagkakagusto satin at naging kampante na wala silang gagawin. Pero kung titignan, mas malaki ang kasalanan ko. Nagawa kong magkagusto kay Raquel at hinalikan sya habang nasa tamang pag-iisip. Patawad kung nasaktan kita." nalungkot nyang sabi.

Hinawakan ko ang kamay nyang nasa pisngi ko at pumikit. Pinakiramdaman ko ang mainit nyang palad.

"Ito ang unang beses na masaktan ako ng ganito kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Akala ko hindi na tayo magkakabalikan nung makita ko kayong dalawa ni Raquel pero sa totoo lang ay umaasam pa rin ako na ako pa rin ang pipiliin mo kahit na nasaktan ako. Hindi ko lang matanggap nung una na akala ko ay nawala na ang pagmamahal mo sakin."

"I'm sorry.." malungkot nyang sabi. Umiling ako at tumingin sa kanya.

"Hindi mo kalasanan. Wala ako sa tabi mo at hindi mo natanggap ang mga pinapadala ko kaya nakukuha lahat ni Raquel ang atensyon mo."

Bumuntong hininga sya. "Hindi ko aakalain na gagawin ni Raquel iyon sayo." malungkot na sabi nya. Siguro dahil nakakasama nya si Raquel ay hindi nya pa rin matanggap na plinano ni Raquel pigilan na magkabalikan kami.

"Akala ko rin. Binalaan na ako ng pinsan namin pero mas nanaig sakin na hindi sya pigilan na lapitan ka. Siguro ay dahil parehas kaming nasa bahay ni Lala kaya ayoko ng gulo. Ito tuloy ang napala ko."

"Kalimutan na lang natin ang lahat at maging lesson satin itong nangyari." ngumiti sya ng bahagya.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa noo ng matagal tsaka sya niyakap ng mahigpit. Namiss ko sya ng sobra. Ang tagal nung huling nayakap ko sya ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam na mauwi ulit ako sa bisig nya.

"I love you, baby." sabi nya. Ngumiti ako at hinigpitan pa lalo ang pagkayakap. "I love you. I love you. I love you." paulit-ulit nyang sabi kaya isinubsob ko ang mukha ko sa balikat nya pero hindi pa rin sya tumigil kakasabi ng 'I love you'.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon