Chapter 55

6.8K 362 108
                                    



Amethyst's POV

"Hindi ninyo pa rin po ba alam kung nasaan si Hiraya?" tanong ko kanila Mama. "It's been three days!" hindi ako mapakali sa bawat oras na nagdadaan ay hindi pa rin makita kung nasaan si Hiraya.

"We're trying our best to find her, Ame. Alam kong nag-aalala ka pero kailangan mong huminahon." sabi ni Tita Ziva.

Napahilamos ako ng mukha dahil wala pa ring balita kung nasaan si Hiraya. Paano ako kakalma nito kung hindi ko alam kung okay pa ba sya? dapat hindi ko sya iniwanan nung mga oras na 'yon para hindi nagkaroon ng pagkakataon ang kidnapper na mukha si Hiraya.

Akala namin ay hindi na kikidnappin si Hiraya dahil ilang araw na rin ang nagdaan simula nung marinig nila Lillian na kikidnappin si Hiraya pero nagplano lang pala sila para sa matagumpay nilang balak.

"Kainis." hindi ko mapigilang sabi at lumabas ng library. Nafru-frustrate ako sa sobrang pag-aalala kay Hiraya. Sana maging okay lang sya.

Please baby, be safe.

"'Sup, cousin." tumingin ako kay Zed na dumating. "Any news kay Hiraya?" tanong nya at naupo sa tabi ko.

"Wala pa nga eh." nakabuntong hiningang sagot ko.

"Nakakatulog ka pa ba? ang laki ng eyebags mo." sabi nya habang tinitignan ang mukha ko.

"Alam mong hindi ako makakatulog ng maayos sa pag-aalala kay Hiraya."

"Mahahanap din nila si Hiraya."

Muli akong bumuntong hininga. Kailan pa ba nila mahahanap si Hiraya? ilang araw na nakakalipas. 

"Malinis pa rin ba si Ingrid?" tanong nya.

Bumugso na naman ang inis ko. "Hindi ako naniniwala na hindi sya ang nagpakidnap kay Hiraya."

Pagkatapos malaman na nakidnap si Hiraya ay isa sa pinuntahan ng pulisya ang Davies. Si Ingrid ang unang-unang pinaghinalaan na nag-utos na kidnappin si Hiraya pero walang nakitang ebidensya na sya nga ang nagpakana. Maayos din ang alibi nito kaya naman sinasabi ng pulisya malinis ito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na malinis gumawa ng krimen si Ingrid dahil kahit alam namin na si Ingrid ang may pakana ng pag-inom ko na may drugs ay hindi pa rin sya naakusa. Kung hindi pa dahil sa nalaman namin kay Raquel ay hindi pa sya matuturong mastermind sa nangyari sakin.

Hindi lang nailabas nila Mama ang nangyari sakin kasabay ng mga krimen na ginawa ni Tito Daniel dahil hindi pa nila nahahanap ang isang ebidensya na kailangan nila. Ang waiter na syang nagligay ng gamot sa inumin ko na sya ring nagpakalat sa social media na si Raquel ang nagplano ng lahat sa nangyari sakin.

At ngayon ay wala na sya. Sya ang nasa loob ng statue sa exhibition nila Angel na karumaldumal ang sinapit. Maraming saksak sa katawan na pinutol pa ang kanang kamay nito. Nakakadiring tignan dahil bukod sa saksak sa katawan ay halatang nabugbog din ito at kinuha ang ibang lamang loob. Inimbistiga nila ang nangyari sa waiter pero wala rin silang makitang lead para matunton ang gumawa sa kanya nito.

Kahit hindi naman sabihin ay alam naman naming lahat na si Ingrid ang may pakana ng lahat pero wala lang kaming ebidensya na ipanglalaban sa kanya para makulong sya.

"Zed." tumingin kami sa likuran namin. Nakita namin si Siera. Tinignan ko naman si Zed kung bakit nandito si Siera sa bahay namin.

"Shush." sabi nya sakin bago lapitan si Siera.

Naikwento nya sakin na nakausap nya pa si Hiraya tungkol sa kanila ni Siera bago ito mawala. Kung hindi lang ako nag-aalala para kay Hiraya ay inasar ko na si Zed.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon