Chapter 41

7.4K 553 170
                                    



Hiraya's POV

Isang linggo na simula nung makauwi kami ng pilipinas galing America. Balik training na naman kami lalo na malapit na ang Winter Cup. Nagpupursigido na ang lahat lalo na nakita nila na kaya ng maging dragon ni Zed at Venus. Hindi na nga nila tinuloy pa ang ilang araw na pahinga pagkauwi ng pilipinas at mas gusto nilang magtraining pa lalo.

Sa isang linggong training nila ay nagawa na rin ni Siera na maging dragon pero nahihirapan ulit syang palabasin ito at napapansin ko na masyadong kinakawawa ni Siera ang katawan nya para mapalabas ang dragon nya kaya naman pinauwi ko sya sa kanila at pinagpahinga ng tatlong araw. Sinigurado ko na magpapahinga sya kaya sinamahan ko syang umuwi ng Manila. Sinabihan ko rin ang pamilya nya na wag paglalaruin si Siera para makapagpahinga ng maayos.

Pasaway pa naman sya minsan.

Ngayon ay kasama ko si Iris na maggala dahil parehas kaming nabo-bored. Hindi namin makausap ang mga girlfriend namin na busy sa taping. Parehas kami ng kalagayan ni Iris na sa gabi lang nakakausap ang girlfriend namin at minsan ay hindi pa umaabot ng isang oras ay nakakatulog na sila sa sobrang pagod at puyat.

Maagang gumigising ang dalawa para mag-practice ng basketball at halos late na ng gabi natatapos ang taping nila kaya lagi silang pagod at puyat. Iniintindi na lang namin sila ni Iris dahil hindi rin talaga biro na pagsabayin ang pag-practice at ang taping. Wrong timing lang talaga ang movie nila na sinabay sa Winter Cup.

Inaya ko si Iris na puntahan ang taping nila Ame para naman makita namin sila kahit papaano pero ayaw ni Iris dahil ngayon daw gaganapin ang bed scene ni Ingrid at Katsumi kaya ayaw nyang makita. 

Ang hirap talaga ng kalagayan ni Iris. Naiisip nya na may ibang kahalikan si Katsumi. Mabuti na lang talaga ay inayawan ni Ame ang offer sa kanyang maging main lead kundi ako ngayon ang nasa kalagayan ni Iris. Mas lalo lang ako magseselos dahil alam kong may gusto si Ingrid kay Ame. Matic na gagawa sya ng paraan para mas lalong mapalapit kay Ame.

Nasa isang coffee shop kami ngayon ni Iris pagkatapos namin maglakad-lakad sa park. Wala na kaming maisip na gagawin kaya tumambay na lang kami sa coffee shop.

"Well, mabuti ka pa nga ay nakakasama mo pa rin si Katsumi dahil nasa iisang bubong na kayo. Eh paano naman ako?" sabi ko kay Iris. Nagrereklamo na naman kasi si Iris dahil wala pang five minutes sila nag-usap ni Katsumi ay magsisimula na ulit mag-shooting ng scene si Katsumi. Parang CR break lang nangyari kay Katsumi.

"Hindi ka ba nakikitulog ngayon sa kanila?" nakakunot ang noong tanong nya.

"Hindi. Madalang lang akong umuwi samin tapos hindi pa ako matutulog samin? nagtatampo na sakin ang pamilya ko." sabi ko.

"Kahit pala nandito ka sa Manila, hindi mo pa rin nakikita ni Ame." 

"Sad 'no?" nailing sya sakin. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas. "Babalik na rin kami ni Siera bukas sa camp kaya lalong hindi ko makikita si Ame."

"Hindi ba dapat nasa break ngayon si Ame since ang ginagawa nilang scene ngayon ay para lang sa dalawa?"

"Kasama nya si Hannah at Mrs. Davies. Sa tingin mo ba may time syang makipag-usap sakin kung yung bantay nya ay mas malala pa kay Arya?"

"Masyado kang maluwag kay Ame. Maging selfish ka naman minsan kung miss mo na ang tao."

Bumuntong hininga ako. "Okay lang. Nakakapag-usap pa naman kami ni Ame sa umaga at bago matulog. Ayoko munang dumagdag sa iisipin ni Ame. Siguradong mahihirapan syang makawala kay Hannah kapag kinuha ko pa ang atensyon nya."

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now