Chapter 16

9.1K 718 459
                                    



Hiraya's POV

Kinabukasan ay maaga ako nagising para mag-jogging. Hindi ako masyadong lumayo sa bahay dahil baka maligaw ako kaya pabalik-balik ang ginawa ko para makatakbo ng matagal. Wala akong kasama ngayon dahil mga tulog pa ang mga kasama ko.

Hindi ko iniisip na pagod sila dahil lahat ng laro namin kahapon ay panalo kami. Kahit sa laban namin ni Lou. Isang beses lang sya nag-ankle break sakin pero ang mga kateam ko ay pinatumba nya. Nanalo kami kahit na isa lang yung lamang namin. Naging aggressive talaga sa pag-score ang Basilisk Empire na muntik na nila kami matalo.

Sa buong laro kahapon, kami ang walang talo habang isang beses lang natalo ang Basilisk Empire. Naka-experience ng pagkahabol ng aso ang ibang team at lahat ng miyembro ng Empire team ay nagulat pwera sa mga nakasama nung meeting. Agad nga akong pinagdudahan nila Siera na ako yung may pakana ng mga aso eh.

Nung una ay hindi pa masyadong natuwa sila Zed dahil alam namin na hindi pa seryoso ang ibang team pero nang nakita nila ang mga aso ay laking tuwa pa sila na hindi nila iyon naranasan kahit na araw-araw naman nila iyon ginagawa, hindi pa sila nasanay.

Tapos na akong mag-jogging nang dumating ang mga captain at vice captain. Kasama ni Ember si Aki dahil sila muna ang magha-handle.

"Hanggang dito ba naman, Hiraya? wala ka talagang pinapalagpas na araw ah." sabi ni Aki.

"Daily routine ko na 'to kahit saang lupalop pa ako mapunta." nakangiting sagot ko. "Oras na ba para mag-training?"

"Oo, sila Vien ang magha-handle sa inyo ngayong araw." sabi ni Ember. Tumingin naman ako kanila Vien at tinarayan naman nya ako.

"Nice." nakangiting sagot ko at inaya na silang pumasok para puntahan ang mga rookies.

Habang kumukuha ako ng pamalit ng damit ay bigla na lang sumigaw sa microphone itong si Vien. Ginigising nya ang mga kasamahan ko na agad din naman nagising pero may kasamang reklamo lang. Natigilan lang sila nang makita si Vien.

"Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto para mag-ayos ng sarili. Kung hindi kayo natapos ay wala akong pakialam, lalabas kayo na ganon ang suot ninyo."

"Dalawang minuto?" sabay-sabay na sabi nila.

"Timer start now." sabi nya at sabay silang lumabas ni Mina ng room namin.

Mabilis na kumilos ang mga kasamahan ko habang nagrereklamuhan. Mabuti na lang ay habang ginigising nya ang mga kasama ko ay nagbibihis na ako ng bagong damit. Natapos ang dalawang minuto na lahat sila ay nakabihis na ng maayos.

"Not bad. Sumunod kayo sakin." sabi nya at muling lumabas ng room. Sumunod naman kami sa kanya.

"Hindi ba nila muna ie-explain kung anong nangyayari?" tanong ni Yael.

"Nakalimutan mo na? hahawakan tayo ng ibang senior para itrain." rinig kong sagot ni Milli.

"Ngayon ba 'yon? akala ko maglalaro pa rin tayo."

"Alternate ang laro." sagot ko.

Nakalabas kami ng bahay at tuloy pa rin kami sa pagsunod sa dalawa na nag-uusap. Nag-uusap din kami at pinag-uusapan namin ang ibang rookies sa ibang team lalo na si Lou na hindi pa rin namin alam kung ano ang pangalan kaya Lou ang tawag namin. Hindi namin pinag-uusapan ang laro nya kundi ang pagba-baby sa kanya ng Basilisk Empire. May isa sa Qilin Empire ang nagyayabang kay Lou at ang mga kateam ni Lou naman ay todo protekta sa kanya.

Kahit sila Chase ay gustong ibaby si Lou dahil cute talaga ito lalo na halatang walang muwang pero pagdating sa loob ng court ay may kakaibang galing ito na hindi mo aakalain. Sabi nga nila Siera, hindi sya isang Lou kung wala syang ipagmamalaking galing. Mukhang sya ang ace ng Basilisk Empire kahit hindi halata sa kanya.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon