Chapter 17

10K 717 716
                                    



Hiraya's POV

"Hiraya! Magsisimula na ang dunk contest!" kakapasok ko pa lang ng gym ay naririnig ko na si Tiffane na tinatawag ako. Kumaway ako sa kanya para sabihin na papunta na ako.

Tumingin ako sa isang court kung saan gaganapin ang shooting contest. Nandon si Venus kasama sila Milli na susupporta sa kanya habang sa kabilang court din kung saan gaganapin ang 1v1 ay magkasama sina Zed at Siera. Napakunot naman ang noo na makita si Lou sa court na 'yon. Wag mong sabihin na sya ang sinabak ng Basilisk Empire sa 1v1?

"Ang bagal mo, magsisimula na sila." nagulat ako sa paghila ni Tiffane sakin. "Nakapag-warm up ka naman 'di ba? wala ng time para hintayin ka."

"Alam mong araw-araw akong nagjo-jogging. Nga pala, alam mo ba kung kasama si Lou sa 1v1?" tanong ko. Tumingin sa court ng 1v1 si Tiffane para tignan si Lou.

"Oo, sinabi ni Siera kanina na makakalaban sya ni Zed mamaya. Maaabutan mo syang maglaro laban kay Zed kapag natapos agad ang laro nyo."

"Kung alam ko lang, ako na lang ang sumali sa 1v1." sabi ko habang nakalingon pa rin sa court nila. Hila-hila naman ako ni Tiffane kaya okay lang na hindi ako nakatingin sa harapan.

"Gustong gusto mo talaga si Lou 'no?" tanong nya. Nakarating na kami sa bench namin. Kasama namin si Nyx at Yael dahil kailangan ko sila mamaya.

"Pinagpalit na ata kay Ame." panunukso ni Nyx.

"Hindi naman ako playgirl para magkagusto agad sa iba."

"Alam mo kung hindi ka lang namin kilala ay mahirap paniwalaan na hindi ka playgirl." sabi ni Yael.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Ngiti mo pa lang, ang dami ng nahuhumalig eh. Katulad nga ng sinabi namin noon, halos buong Shakers may crush sayo." napatawa ako ng bahagya.

"Ang hindi nila alam, masamang demonyo ang nasa likod ng ngiti nya." tila bumubulong na sabi ni Tiffane kay Nyx pero halatang pinaparinig sakin.

"Ewan ko sa inyo. Dyan na nga kayo." nakangiting sabi ko at lumapit pwesto ng mga judges namin. Nandon na ang lahat, ako na lang talaga.

"Lagi na lang bang late ang Dragon Empire?" nakataas ang kilay na tanong ni Percy.

Nakitbitbalikat lang ako sa kanya. Inexplain nila samin ang rules kahit na alam naman na at silang apat na captain at si Ember ang magiging judges ng dunk contest. Hindi daw sila magiging bias at magiging patas sa pag-score samin. Tinignan ko naman ang tatlong kapitan na makahulugan kung talagang magiging patas sila sakin. Hanggang ngayon ay may inis pa rin sila sakin.

"Anong akala mo samin?" tanong ni Dulce na mukhang nahalata ako.

"Naninigurado lang. Isang linggo na tayong nandito at napatunayan ko naman ang galing ko pero halatang may inis pa rin kayo. Kaya hindi mawala-wala ang inis ng mga rookie ninyo sakin dahil hindi ninyo pa rin matanggap." sabi ko na walang ngiti dahil baka mas lalo silang mainis. Gusto ko lang na mawala na ang inis nilang lahat sakin dahil wala akong maging kaibigan sa mga rookies. Marami ng nagiging close sila Siera sa ibang team at ako lang ang hindi nila kinakausap ng maayos. Napaka-out of place ko lang talaga.

"Kung nagiging humble ka lang kasi baka matanggap ka pa ng iba." tumingin ako kay Aya.

Napaisip ako kung masyado ba akong mayabang kung ang intensyon ko lang naman ay seryosohin nila ang laro. At isa pa, hindi nila matanggap na pinalitan ko si Ember kaya pinatunayan ko lang sa kanila kung bakit ako ang pinili. Minsan ang gulo ng mga 'to.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now